Sa dorm ng Tigresses...
Nakahiga lang ngayon sila Kim at Mela.
Napansin din ni Mela ang pagiging tahimik ni Kim. Hindi siya inaasar nito at hindi rin siya kinukulit, di kagaya dati.
MELA: Kimmy... May problema ba?
KIM: *nagulat* Ha???
MELA: Kung may problema ka ba.
KIM: Wala naman...
MELA: Kimmy... Kilala kita. Sa akin ka pa ba maglilihim.
KIM: Well, di ko kasi alam kung pwede kong i-open sa’yo ‘to eh.
MELA: Lahat naman pwede mong ikwento sa akin eh.
KIM: Eh ewan ko kung gugustuhin mo ‘tong marinig.
MELA: Ano ba yun?
KIM: About Miks...
MELA: Oh what about her?
KIM: Sure kang ok lang sa’yo na pagusapan natin siya.
MELA: Eh kung nabobother ka na at nagiging ganyan ang epekto sa’yo eh willing naman akong makinig eh. So ano bang problema...
KIM: Parang kasi sobrang taas ng expectations ko sa kanya eh. Alam mo yun. Sobrang nakita ko kung gaano niya ka-mahal si Jessey. Nakita ko kung paano siya nun sobrang nasaktan sa mga nangyari kay Jessey. At alam mo rin naman yun diba.
MELA: Oo naman... Nakita ko naman sa kanya na mahal niya si Jessey eh. Kaya nga nagalit ako sa mga nangyari diba.
KIM: Yun na nga eh... Pero parang ang bilis niyang maka-move on.
MELA: Ito ba yung sa kanila ni Aly.
KIM: *tumungo* Sobrang pinaglalaban ko pa siya sa’yo noon na mahal na mahal niya talaga na hindi niya kayang kalimutan. Pero kanina kitang-kita ko yung kulitan nila sa court eh, habang naglalaro. Ganun na ganun sila noon ni Jessey.
MELA: Sabi ko na eh...
KIM: Diba dapat maging masaya ako for her kasi naka-move on na siya? Kaso hindi ganun yung nararamdaman ko eh. Disappointed, yun, yun ang eksaktong nararamdaman ko sa kanya. Tapos diba naalala mo yung kinwento ko sa’yo na matagal na palang wala si Ly at Jovee. Ibig sabihin pala nung mga panahong nagkikita sila eh mukhang may namumuo ng something sa kanila. Which is sobrang bilis naman. Eh paano na lang pagbumalik na si Jessey...
MELA: Eh wala pa rin naman kaming balita tungkol kay Jess eh. Basta ang alam lang namin pati yung mga kapatid niya sumunod sa States. Kaya feeling tuloy namin eh lumala lang yung lagay niya... Hay...
KIM: Hey... Huwag mong isipin yan.
MELA: Alam mo Kimmy. Hayaan mo na lang si Mika. Kung diyan siya masaya then let her be. Kung si Ella nga oh tignan mo, buong-buo pa kasi hinayaan ko na lang din kasi wala namang mababago eh. Di rin naman gagaling si Jess agad-agad kapag sinugod ko si Ella. Same as Mika lang rin, kapag nagpakalugmok si Mika di rin naman agad gagaling si Jessey. Kapag masaya si Mika, di rin naman agad gagaling si Jessey pero at least wala ka ng proproblemahin pa.
KIM: Wow! Ikaw ba yan Melabs... Usually, ako yung nagpapayo ng ganyan ah...
MELA: Baliw ka talaga Kimmy ko. Syempre yan ang impluwensya mo sa akin eh.
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
Fiksi PenggemarIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...