Chapter 34

2.7K 26 8
                                    

Unfortunately hindi nanalo ang Tigresses laban sa FEU. Kaya sa game nila ngayon against DLSU eh halos walang energy ang mga Tigresses habang pasakay sila sa bus papuntang SJA... well, maliban sa dalawa. Si Mela at Jessey.

Nasa bus sila ngayon at papunta na ng SJA. Pansin na pansin nila Mela at Jessey na matatamlay ang kanilang teammates.

MELA: Mga teh! Ano ba yan! Mukha kayong mga namatayan ah.

JESSEY: Oo nga naman! Hindi tayo dapat sumuko!

DANS: Pshhhh... Kaya lang naman kayo ganyan eh kasi makikita niyo yung mga girlfriend niyo. Kung ibang team ang kalaban natin ngayon panigurado mga mukhang Biyernes Santo din kayo kagaya namin.

MELA: Ano ba yan Butod! Hindi yan ang spirit ng isang Thomasian Athlete. Porket wala si coach dito at nauna siya doon ganyan na mga fez niyo... alam niyong ayaw niya ng ganyan.

JESSEY: Tama si Mela! Hindi tayo susuko. Kahit na unbeaten sila, kaya natin yan. Diba last season, tayo lang din ang nakatalo sa kanila. Bilog ang bola... habang may buhay may pag-asa... Kaya natin yan. Dapat lang tayong magtiwala.

LOREN: Tama sila Mela at Jessey... Hindi tayo dapat sumuko. Kailangan ay magtiwala tayo sa isa’t-isa! We work as a team then we win as a team! Manalo, matalo dapat lumaban tayo... Pasa sa UST!

TIGRESSES: One For UST!

JESSEY: That’s the spirit.

Dumating na nga sa San Juan Arena ang mga Tigresses, nauna sila sa mga Lady Spikers. Pagdating din nila ay andun na si Coach O at pinag-warm-up na nga niya ang team. Natuwa naman si Coach dahil kitang-kita ang determinasyon sa mga mata ng kanyang mga alaga.

COACH O: Aba! Mukhang ready kayo talagang lumaban ah!

CHLOE: Syempre naman Coach! Tayo lang ang nakatalo sa La Salle last season... at handa po kaming ulitin yun.

COACH O: Aba! Ibang-iba kayo ah. Anong nangyari sa bus ah...

PAM: Hahaha! Pinarealize lang po sa amin nila Mela at Jessey na hindi dapat mawalan ng pag-asa!

COACH O: Aba! Gumaganun na kayong dalawa...

DANS: Inspired lang yang dalawang yan eh! Hahaha!

COACH O: Ay alam na... pero okay lang kung yun naman ang magpapaganda sa team eh di sige okay lang ang landi na yan pero wag dadalhin sa court ah.

MELA: Grabe ka Coach ah!

JESSEY: Oo nga...

JEM: Speaking of landi... oh ayan na... may dumadating ng green.

COACH O: Okay... Focus muna tayo ah. Kung pwede, Mela and Jessey iwas landian muna okay? Lalo ka na Jessey, alam kong monthsary niyo.

JESSEY:*namula* Hala si Coach!!!! Di naman po ako ganun eh.

Pagdaan ng mga Lady Spikers sa harapan ng mga Tigresses ay ngumiti sila Kim at Mika kina Mela at Jessey. Kaya namula naman lalo ang dalawa.

COACH O: Kita mo na... dumaan lang eh sobrang kinilig na!

TIGRESSES except Mela & Jessey: Hahahaha!

MELA & JESSEY: Ang mean mo coach!!!!

COACH O: O sige na warm-up na kayo.

Nag-warm-up na nga ang mga players habang inaantay nila ang pagtatapos ng first game.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon