Chapter 81

549 15 0
                                    

THE DAY AFTER THE DLSU-UST GAME...

Sa dorm ng Lady Spikers...

Kumakain ng breakfast ang Lady Spikers.

Kakaiba ang mood ng lahat.

Mukhang hindi pa naka-getover sa mga nangyari during their game.

ARA: Hey, bakit parang ang tahimik ata? Dapat masaya tayo diba. Nanalo tayo, solo second tayo...

CIENNE: Babe, kahit naman ikaw tahimik ka din diyan eh. And let’s be honest, medyo hindi maganda yung pagkapanalo natin.

ARA: Hay... You’re right, Babe...

CAMS: Eh paano naman kasi, grabe lang yung kahapon.

MAJOY: Eh parang nung pumasok po si Ate Jessey sa court parang natahimik yung buong SJA eh.

DESIREE: Well, sobrang unexpected naman kasi yung ganap na yun. Parang teleserye lang ang moment na yun ah. Kagulat.

CAROL: True! Sobrang nagulat din ako eh. Syempre, love na love ng bullies yang si Jessey tapos biglang... Boom! She’s back!

CAMS: At mukhang she’s back with a vengeance... Hehehe!

CAROL: Ay true! Kita niyo ba yung laro ni, Stick kahapon? Grabe noh!

CIENNE: I mean, isa si Jessey sa mga underrated na middle talaga. Di kasi siya yung fancy player eh. Hindi ng i-staredown kahit nakaka-single block or nakakapalo siya. Pero yung timing niya, grabe. Pero yung kahapon talaga, upgraded version talaga.

KIM: I agree. Kala mo mas matangkad pa kay Jaja eh. Ay, alam niyo bang kukunin siya dapat ng Army na maging-guest player for the Super Liga. Ibig sabihin talaga andun yung potential ni Jessey na mag-compete sa semi-pro. Nakita ng Team Army yung galing niya. Kaso nga lang ayun naaksidente siya.

ARA: Weh??? Seryoso yun?

KIM: Yup! Kwento ni Coach Kung Fu... Kasi diba Assistant Coach siya dun, siya yung inatasan na kausapin si Jessey.

CAMS: Wow! Ibang level si Stick. Pero sayang noh...

KIM: Kaya what more pa, na ngayon eh parang mas lalo siyang gumaling. I mean oo siguro nung third set medyo andun yung shock factor sa part natin nung nakita natin siya. Pero nung fourth at fifth set naman eh bumalik na tayo sa usual game natin at nakita niyo namang hirap na hirap tayo kapag nasa harap si Jessey.

ARA: Ay sinabi mo pa. Hindi ko mailusot yung bola kasi lagi niyang na-block at kung makalusot man sa block niya eh dumadaan pa rin sa kanya kaya bumabagal.

CAROL: Hala! Baka mamaya may ininject kay Jess nung nasa sa States siya.

KIM: Baliw ka talaga, Carol! Syempre naman di pwede yun. For sure naman may medical test siya noh.

CAROL: Ah sabagay... Tama nga naman... Pero napansin niyo ang seryoso niya...

ARA: Eh wait lang, Ate Kimmy, may balita ka naman kay Jessey?

KIM: Actually, wala pa nga eh. Di pa ako tinatawagan ni Melabs eh. Nagkausap kami kagabi bago siya mag-sleep. Kasi nga nag-aalala rin ako kay Stick kung anong nangyari after---

Hindi natapos ni Kim ang kanyang sasabihin dahil biglang dumating si Mika at siyang nagpatuloy ng sasabihin...

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon