Kinaumagahan...
Nagising na si Mika at nagtataka siya kung bakit parang may nakasiksik sa kanya. Kung kaya’t pagdilat niya ay nagulat siya at nakita niya si Jessey at naitulak niya tuloy ito na naging dahilan ng pagkakahulog ni Jessey sa kama.
JESSEY: Araaaaaay!!!
MIKA: Sorry BF!!!! *napaisip bigla* Teka lang! Bakit ako magsosorry eh may kasalanan ka pa nga sa akin eh.
JESSEY: *Naiiyak sa sakit* Im so- so- sorry....
Biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at pumasok si Ara at Kim.
KIM: Anong nangyari?
ARA: Hala! Bakit ka umiiyak Jessey?
JESSEY: Nahulog ako sa kama... *naiiyak sa sakit*
KIM: Anong ginawa mo Mika?
MIKA: Eh nagulat ako eh, natulak ko siya...
ARA: Bakit di mo man lang tinulungan.
JESSEY: *naiiyak pa rin* Ok lang... aray...
MIKA: Aba! Eh may kasalanan pa nga siya sa akin eh. Bakit ko siya tutulungan...
KIM: *nilapitan si Jessey at inalalayan* Kaya mo ba Jessey?
ARA: Anong masakit?
JESSEY: Okay lang... medyo masakit lang yung balikat ko yun kasi yung unang bumagsak eh.
KIM: *nakatingin kay Mika* Ano? Wala ka man lang gagawin diyan?
MIKA: What? *sabay punta sa cr*
ARA: *napabuntong hininga* Pasensiya ka na kay Mika ah, umiral nanaman ang pagiging isip bata eh.
KIM: Oo nga eh. Wait lang, gusto mo ba lagyan natin ng ice yang balikat mo? Parang matindi ang tama eh. *sabay hawak sa balikat ni Jessey*
JESSEY: Aray! Aray! Okay lang po.. okay lang... Uwi na lang po muna ako.
ARA: Ayaw mo bang hintayin si Mika?
JESSEY: Eh mukhang wala po siya sa mood na makausap ako eh. I’ll just give her time, tutal may finals pa din po kayong dapat isipin, ayaw kong makagambala sa pagkuha niyo ng championship trophy.
KIM: Alam mo naman na mas mahalaga ka dun for Mika eh.
JESSEY: Siguro nga po pero siyempre alam ko din naman na para yan sa team niyo eh, player din po ako kaya diba alam ko dapat mag-focus para sa goal ng team.
ARA: Alam mo napaka-bait mo talaga, ewan ko ba talaga diyan kay Mika. Para simpleng pagkakamali mo lang sobrang big deal na, akala mo siya walang naging kasalanan.
JESSEY: *ngumiti na lang* Hayaan mo na Ara. Oh sige uwi na ako, medyo masakit na rin kasi yung balikat ko.
KIM: Sure kang ayaw mong ice-an natin?
JESSEY: Wag na po. Sa dorm na lang po. Nabigla lang po siguro yung balikat ko kaya medyo masakit pa rin.
KIM: Hatid na lang kita sa dorm niyo?

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...