Nagsimula na ang laro ng ADMU at UST.
At kagaya nga ng naisip nila Chloe at Mela. Sinabihan nila na ang target lang sa service ay si Ella.
Hindi naman nagkamali ang dalawa.
Hindi maganda ang pag-receive ni Ella sa bola. Kaya kadalasan ay Ace ito.
Kaya kung minsan ay si Denden na rin ang kumukuha ng bola. Pero mautak ang Tigresses. Kapag good receive ang Lady Eagles, pinupunta naman nila ang mga palo nila kay Ella para hindi ma-dig at sinabihan din nila na kapag nasa harap si Ella eh tumapat lang si Jessey sa kanya.
Nag-work naman ang plano ng UST kaya naman natalo nila ang ADMU.
Tuwang-tuwa ang Tigresses. Samantalang sobrang nalungkot naman ang Lady Eagles dahil ito ang una nilang talo sa season.
Sa side ng Lady Spikers na nanonood ng game...
CAROL: Wow! Ang lakas ng Tigresses! Sila palang ang nakakatalo sa Ateneo ngayong Season.
CAMS: Oo nga eh.
CIENNE: Matalino kasi sila.
ARA: At nasa GT ang kryptonite ng ALE.
KIM: Hahaha! Parang alam ko na yan.
ARA: Hehehe!
CAROL: Di ko gets?
CIENNE: Ginamit ng GT ang weakness ng ALE.
CAROL: Ano yun?
ARA: Hay naku! Nanood ba kayo ni Cams ng game o naglandian lang kayo buong laro.
CAMS: HOY VICTONARA GALANG! WAG KANG JUDGER DIYAN!
CIENNE: Kambs, wag ka ng magpalusot, nakunan ko kayo ni Carol na magka-holding hands kanina.
CAMS: *namula at pinagpapalo si Carol* Ikaw kasi eh! Sabi ko na wag na eh! Ayan nakunan tuloy tayo.
CAROL: Aray! Aray naman! Hayaan mo na.
CAMS: Hmp! *tingin kay Cienne* Hoy Kambal, wag na wag mong ipopost yan eh.
CIENNE: Hahaha! Let’s see...
CAMS: Ehhhhhhhh!!!
CAROL: Camilabs, mamaya na yan. Hayaan na muna natin mag-explain sila Ara pls.
CAMS: Ewan ko sa inyo! Camilabs mo mukha mo! Gaya-gaya ka kay Ate Kimmy at Mela.
KIM: Oo nga... Gumawa ka ng sarili niyong tawagan.
CAROL: Shhhh! Mamaya na yan. Pag-explainin na muna natin si Ara pls.
ARA: Hahaha! Ganito kasi yun. Ang weakness ng ALE ay si Jessey.
CAMS: Paano naman nangyari yun.
CIENNE: Actually si Ella lang naman ang affected talaga sa presence ni Jessey sa court eh. You know, dahil na nga sa kasalanan niya.
KIM: Kitang-kita mo sa mukha ni Ella yung kaba at hindi siya makapag-focus.
ARA: Trueeee! Kaya tignan mo, mapa-service o palo ng GT, kay Ella nila dinadala kasi nga walang presence of mind si Ella ngayon. Kaya puro error ang ALE. Kapag nasa harap si Ella laging tinatapatan ni Jessey si Ella kaya lalong walang diskarteng magawa si Ella. Hindi rin naman siya mailabas ni Coach kasi wala siyang maipalit.
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...