Chapter 61

509 15 9
                                    

Kasalukuyan pa ring natutulog si Mika ng bigla siyang ginising ni Kim.

KIM: Miks... Gising na, kakadala lang kay Jessey sa room niya.

MIKA: Ah ganun po ba... Tara na sa loob Ate Kim...

Pumasok na nga sila at nakita ni Mika na nakatayo si Ate Jermaine sa tabi ni Jessey at hawak-hawak ang kamay nito. Napatingin naman si Ate Jermaine kay Mika at napaka-seryoso ng mukha niya. Lumapit si Mika sa kabilang side ng higaan ni Jessey at dahang-dahang hinawakan ang isa pa nitong kamay. Bigla namang nagsalita si Ate Jermaine.

ATE JERMAINE: Yung pinag-usapan natin, Mika. Huwag mong kalimutan.

MIKA: *napayuko lamang at unti-unting tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata*

ATE JERMAINE: *Bumitaw sa pagkakahawak kay Jessey at tumingin kay Kim* Kayo na munang bahala dito ah. Tatawagan ko lang si Jelo pati na rin si Kuya at sila Mama. Kakausapin ko na rin yung sa USTH para makapag-ready na sila dun. Paki ingatan si Jessey ah baka mamaya kung ano nanamang mangyaring di maganda...

KIM: Ate... Sige na po, ako na pong bahala dito.

Napansin ni Mika na tahimik lang ang apat na Tigresses sa loob...

 

MIKA: Ate Loren, nakapag-pahinga naman na po ba kayo?

LOREN: Ah Kimmy... Labas lang kaming apat, bili lang kaming food...

KIM: Ah oh sige po...

LOREN: Tara na muna Chloe, Pam, Mela...

Lumabas na nga ang apat para makabili ng pagkain...

MIKA: Ate Kimmy, ok lang po ba sila?

KIM: Ummm... Ano kasi eh... ummmm...

MIKA: *napayuko* Alam na po nila noh? *malungkot niyang tanong*

KIM: Sorry Ye ah... Wala akong nagawa eh. Si Mela kasi eh. Either way kung hindi man ako si Mela naman ang magkwekwento kaya kinwento ko na lang kasi baka kapag si Mela pa mas lalong magtunog nega eh...

MIKA: *sad smile* Ok lang Ate... Salamat ah.

KIM: Para saan?

MIKA: Sa pagiintindi sa akin. Kaibigan mo rin naman si Jessey pero di mo nagawang magalit sa akin.

KIM: Kaibigan din kita Ye... Oo, malungkot ako at hanggang ngayon disappointed pa rin ako sa nakita ko sa inyo ni Aly lalo na at bestfriend ko din yung isa pero alam ko rin naman na hindi mo gusto yun eh. Masyadong maraming nangyari this past few days... Kaya kahit anong mangyari naiintindihan kita.

MIKA: Salamat talaga Ate Kimmy... Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka diyan para damayan ako. Lahat sila galit sa akin, pati nga ako galit na galit na rin ako sa sarili ko eh...

KIM: Ye, tandaan mo... Si Jessey kahit kailan di niya magagawang magalit sa’yo kaya please don’t be too hard on yourself...

MIKA: Yun na nga Ate eh... Kaya ako mas naiinis sa sarili ko kasi alam ko kaya akong mapatawad ni Jessey kahit gaano pa ka tindi yung kasalanan ko...

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon