Chapter 24

3.4K 29 3
                                    

Sabado ngayon, may laban ang UST against FEU. Last game nila sa first round. At napaka-importante na manalo ang Tigresses sa game na ito. At nag-aalala si Jessey dahil simula kagabi ay hindi pa rin nagtetext o tumatawag man lang si Mika sa kanya. Tinanong na rin niya ang mga teammates ni Mika pero lahat sila walang idea kung asan ba itong si Mika.

LOREN: Ano, ok ka lang ba Jessey?

JESSEY: *malalim ang iniisip*

MELA: Huy! Jess, kinakausap ka ni Ate Loren...

JESSEY: *nagulat* Huh? Ano yun...

LOREN: Wala... alam ko na ang sagot... Kaya pwede mag-focus ka muna ngayon?

JESSEY: Yes Ate... *pilit na ngumiti*

MELA: *lumapit kay Jessey at bumulong* Stick, kalma ka lang... baka naman may school work lang yun na tinapos or something.

JESSEY: Eh bakit kahit sino sa team nila walang alam.

MELA: Alam mo naman yang BF mong yan, bigla-bigla na lang kung minsan...

JESSEY: Hay... okay! Need to focus na muna sa game. Importante pa naman ang laban na ito.

MELA: That is soooo right, tara na at warm-up na tayo.

Natapos na ang first game kaya nag-ready na ang mga Tigresses para sa game nila against FEU.

Pagpasok nila sa court ay sinubukan niyang hanapin sa crowd si Mika dahil baka andun ito para isurpresa siya, pero wala pa rin. Kaya nalungkot siya lalo dahil walang andun para suportahan siya dahil nag-text din ang mom niya kagabi na hindi sila makakanood ng game ni Jessey dahil uuwi sila sa Bataan.

MELA: Ei, Stick... Focus muna tayo sa game ah. Saka mo na isipin ang mga problema mo. Saka don’t worry sinabihan ko na rin sila Mama at Ate na mag-cheer for you... Hehehe! Saka madami ka namang fans na nanonood so madaming mag-checheer sa’yo... Hehehe!

JESSEY: *natatawa* Loko ka talaga... sige na tara na!

Nag-start na nga ang game ng Golden Tigresses...

Hirap na hirap ang Tigresses against FEU lalong-lalo na si Jessey. Yung mga block niya hindi nakakapatay at lahat naman ng mga quick sets sa kanya eh na-blo-block ng kalaban. 2-0 na ang score pabor sa FEU, kinakausap ni Coach O ang kanyang mga players bago mag-start ang third set...

COACH O: Oh girls... Kalma lang kayo pwede. Alam naman natin na medyo dehado tayo dahil two sets na sila, pero kaya pa natin yan...

TIGRESSES: Yes Coach!

COACH O: Loren yung mga sets mo lagyan mo ng variety para din hindi mabasa ng kalaban.

LOREN: Opo coach!

COACH O: Pam, yung mga kalaban mo hirap silang basahin yung cross-court mo so kapag perfect ang set yun na ang gawin mo pero paminsan ibahin mo din para hindi ka mabasa ng defense nila.

PAM: Yes coach!

COACH O: Ikaw naman Mela, yung mga service mo ah...

MELA: Opo...

COACH O: At ikaw Jessey... ano nganga na lang... Ang ganda-ganda ng mga sets sa’yo ni Loren pero wala ka pa ring na-coconvert sa points. At yang kamay mo kapag tinaas mo para sa block, panindigan mo naman. Para ka lang nagre-raise ng hand para sumagot sa teacher eh. Wala man lang lakas, wala man lang tibay, wala man lang kasiguraduhan! At gumalaw-galaw ka din naman, masyado kang napapako sa pwesto mo eh. Okay? Isipin mo naman yung game ngayon, yung paghihirap niyo, yung paghihirap ng teammates mo. Kung may problema ka man, pwede iwan mo muna dito outside the court. Pwede ba?

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon