Chapter 49

698 15 3
                                    

Pag gising ni Jessey napansin niya na wala na si Mika sa tabi niya. Ngunit napansin niya na may note at gift na na nakapatong sa kanyang side table. Pagtingin niya ay napangiti siya dahil tama nga siya ng hula, kay Mika nga yun galing.

 

Mahal,

I love you! Hehehe... Nauna na ako ah, Hindi na kita ginising kasi ansarap ng tulog mo eh. Kailangan ko ng bumalik sa dorm bago ako mahuli ni Coach. Hehe! See you later. Onga pala, may hinanda akong breakfast mo. Share it to your teammates na lang. Saka may gift ako for you. Tignan mo na lang.

I love you! See you later...

Love, Your Kapre

Pagkatapos mabasa ni Jessey ang note ay kanya namang binuksan ang gift sa kanya ni Mika. Pagkita niya dito, alam niya kung para saan ito.Napansin niya rin na may letter na nakasama.

 

Mahal,

Alam ko alam mo kung para saan ito, idagdag mo ito sa charm bracelet na gift ko sa iyo. Yung isa, arrow kasi napana mo na yung puso ko eh. Hahaha! Ang corny ba, pero for sure kinilig ka naman. At yung isa naman eh Claw, kasi Tigress ka eh. Hehe! Saka sinisymbolize niyan eh yung pagiging fighter natin, na kahit anong mangyari, kahit sino pang sumira sa atin ay hindi tayo papatalo. Hihi! Love you! Suot mo yan mamaya ah.

Love, Your Cute Kapre

Na-touch naman si Jessey kung kaya’t agad niya itong nilagay na sa kanyang charm bracelet at pagkatapos ay nagpunta sa kusina upang kumain ng breakfast na inihanda ni Mika para sa kanya.

KINAHAPUNAN...

Nagsisimula na ngang mag-warm up ang Lady Spikers at Lady Eagles.

Patingin-tingin din si Mika sa paligid upang tignan if dumating na nga si Jessey. Nagtataka siya dahil nga hindi sumabay si Jessey kina Mela pagpunta sa game. Hindi rin alam ni Mela kung bakit basta ang sabi lang daw ni Jessey ay may dadaanan siya. Ayaw namang mag-isip ni Mika ng kung ano pero naalala niya yung narinig niyang paguusap kanina nung ibang Lady Eagles...

FLASHBACK:

 DENDEN: Ma-lalate daw si Marge ng dating.

ALY: Ah oo, may dadaanan daw eh.

AMY: Is it okay with Coach?

ALY: Well, he can’t do anything about it, Jessey yun eh, pupunta talaga dun si Marge at di siya mapipigilan ni Coach...

ELLA: Huh? Anong Jessey?

ALY: Wala wala...

DENDEN: Sinabi mo na eh.

ALY: Okay, okay, im not sure ah pero kasi ang alam ko si Jessey yun kausap ni Marge eh. Narinig ko kasi minention niya yung name. Kaya ayun. Eh alam niyo naman yung si Marge, basta kay Jessey hindi yun makakatangi.

ELLA: Baka mamaya sinasabotahe tayo ah, para manalo ang La Salle.

AMY: I doubt! You know that Mika doesn’t like Marge so I think it’s something serious.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon