Chapter 2

4.3K 31 6
                                    

Kinabukasan.

Sa Dorm ng Golden Tigresses.

Game day na ng Golden Tigresses. Lahat ay gising na maliban kay Jessey. Lahat sila tinry ng gisingin siya pero, wala pa rin. Hindi pa rin siya bumabangon.

MELA: HOY! JESSEY LAINE DE LEON!!! Utang na loob, gumising ka na at mala-late na po tayo. Iiwanan ka namin niyan eh. Lagot ka kay coach.

JESSEY: Shhhhhhh...

MELA: Hay nako bahala ka! Oi, Ria gisingin mo nga ‘to diba sabi mo naman kagabi eh ikaw ang bahala.

RIA: Sige po Ate Mela, ako na po ang bahala.

Lumabas na si Mela ng patabog. Habang si Ria naman ay umupo sa may higaan ni Jessey para ito ay gisingin.

RIA: Ate Jessey, gising ka na please. *habang pilit niyang tinatapik ito”

JESSEY: Baby Riri, 5 minutes na lang please... *inaantok nitong sagot sabay akap kay Ria*

Nabigla si Ria sa ginawa ni Jessey, sanay naman siyang niyayakap ni Jessey dahil nga close sila pero nagtataka siya kung bakit parang may iba siyang naramdaman.

RIA’s POV:

Hala! Bakit ganun, ano ba ‘tong nararamdaman ko sa biglang yakap ni Ate Jessey. Di naman ganito dati. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Waaaaaah!!!!

Biglang pumasok si Dancel.

DANS: Aysus! Ang sabi ni Mela gigisingin mo si Stick eh bakit nakatulala ka lang diyan?

RIA: Ah ka---si ummm... a--no ka-s---i eh... ummm... *pautal-utal nitong sagot*

DANS: Huy! Sumagot ka nga ng maayos, ano bang nangyayari sa’yo? *pagtataka ni Dancel*

RIA: Ummm... five minutes na lang daw po. *Medyo pabulong nitong sinabi habang nakayuko dahil ayaw niyang ipakita na nag-blu-blush siya*

DANS: Siguraduhin mo ah. Dahil iiwanan talaga natin yang si Jessey, bahala siyang tumakbo ng 10 rounds sa UST. Sige na pilitin mo na yang bumangon ah at bumaba na kayong dalawa. Nakaluto na sila Pam ng breakfast natin.

RIA: Sige po Ate, susunod na po kami.

Kinuha na ni Dancel ang kanyang bag at bumaba na.

RIA: Ate Jess, gising ka na please. Ikaw na lang ang hindi pa bumabangon. Lagpas na ng 5 minutes oh. *pilit pa rin nitong tinatapik ang braso ni Jessey para gumising na*

JESSEY: *biglang hinigpitan pa lalo ni Jessey ang kanyang pag-yakap sa may beywang ni Ria* Ayaw pa!

Dahil sa gulat ni Ria sa pagkakayakap at mala-kuryente niyang naramdaman mula kay Jessey ay bigla itong napatayo at dahil dun ay nahulog tuloy si Jessey sa kama.

BLAAAAAAAAG!

JESSEY: Aray ko! Huhuhu! Ansakit. *tumingin siya paitaas at nakita niya si Ria gulat na gulat din sa nangyari*

RIA: Hala, ummmm... Sorry Ate Jessey, di ko sinasadya. *Naiiyak nitong sagot*

JESSEY: Ansakit Baby Riri... *naiiyak nitong sagot* Bakit mo naman ako hinulog sa kama.

RIA: Di ko po talaga sinasadya. Nagulat lang ako. *Sinubukan niyang tulungan si Jessey*

Inabot ni Ria ang kanyang mga kamay upang humawak dito si Jessey ng maalalayan niya ito sa pagtayo. Pero paghawak niya dito ay bigla niyang hinatak si Ria kung kaya’t bumagsak sa kanya si Ria. Biglang tumawa si Jessey ng malakas.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon