KIM: *huminga ng malalim* Si Ella... Si Ella yung kumukuha ng mga pictures nila Marge at Jessey. Sure ako dun. *tumingin kay Aly* Si Ella ang nagdamay sa’yo Best sa gulong ito... *tingin kay Mika* Si Ella ang nanggugulo sa inyo ni Jessey... Si Ella yun kaya dapat na natin siyang komprontahin.
ALY: No way...
KIM: Alam ko mahirap paniwalaan Best... Pero sure ako na siya yung kumuha nung picture eh. *tingin kay Mika at pakita ng picture* Naalala mo Ye itong picture na ‘to yung sabi mong di mo makakalimutan kasi andun ka nung nangyari yung paguusap na ito ni Marge at Jess...
MIKA: Oh, what about it?
KIM: That day, andun din ako sa UST nun para puntahan si Melabs. Tapos sa di kalayuan, nakita ko si Ella na may hawak na cam. At kung saan ko siya nakita sakto dun yun anggulo niya sa picture na ‘to.
ARA: Baka nagkataon lang...
KIM: Pwede pero sobrang coincidence naman yun. Ano namang gagawin ni Ella dun tapos yung galaw niya sobrang calculated that time halatang nagtatago eh. Sa totoo lang di mo siya mapapansin eh nagkataon lang talaga na paglingon ko eh sakto dun sa kung saan siya nakapwesto. Kaya malakas ang kutob ko na siya ang may pakana ng lahat.
MIKA: Bakit naman niya yun gagawin sa amin ni Jessey?
KIM: Yun ang aalamin natin... Best, andiyan ba si Ella?
ALY: Oo, actually kaming dalawa nga lang ang nasa dorm ngayon eh kasi maaga pa ang pasok nung mga teammates namin. Kaya mabuti siguro sa loob tayo magusap-usap.
ARA: Mas mabuti nga siguro.
ALY: Pasok na muna kayo...
Pumasok na nga ang tatlong LS at pinaupo muna sila ni Aly sa sofa. Pinuntahan na nga ni Aly si Ella sa kwarto nito kaya naiwan muna sila habang naghihintay...
ARA: Ate Kimmy, sure ka ba dito? Baka mamaya mapahiya tayo kay Ate Ella ah...
KIM: Alam mo kung wala siya talagang kasalanan eh maiintindihan niya itong ginagawa natin saka maeexplain niya sa atin kung bakit siya andun sa UST nung nakita ko siya.
ARA: Eh paano yung ibang picture na kasama rin siya???
KIM: Most likely may kasama siya sa mga pinaggagawa niyang ito... At isa pa, sa lahat ng time na nasa UST siya, based na rin sa mga kwento mo Miks eh kasama niya si Mae, dalawang lang yan eh, kung katulong niya ba si Mae or sinet-up niya si Mae para siya ang una nating maisip na maaaring gumawa nito... Kasi diba like yung sa phone mo Ye, si Mae ang nakakuha eh paano kung si sinadya yun ni Ella na si Mae ang makakita. Pati yung sa ininom niyo, si Mae ang gumawa diba pero nakita niyong uminom siya eh si Ella ba, nakita niyo?
MIKA: May point ka Ate eh... Pero baka ma-offend siya...
KIM: Mas mahalaga pa ba yan kaysa sa katotohanan? Paano nga kung siya yun, eh di malalaman na natin kung bakit niya ito ginagawa. At saka para malaman na rin ni Aly kung ano ang tunay na ugali ni Ella. Na all this time pala eh niloloko lang siya ni Ella. Kawawa rin yung bestfriend ko ah. Gusto ko siyang protektahan.
MIKA: Tama ka Ate... *medyo naiinis* Dahil sa kanya eh wala pang kasiguraduhan yung lagay ni Jessey... SInira niya ang lahat. Kaya sinisiguro ko sisirain ko rin ang buhay niya.

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...