Matapos ang halos dalawang araw na pagpapahinga ni Jessey, muli na siyang bumalik sa training lalo na at ang next game nila eh against DLSU. At dahil naging busy na ulit siya ay hindi na ulit sila nakapag-usap pa ni Mika.
Dumating na ang araw ng laban ng UST at DLSU.
Naunang dumating ang UST sa SJA. At dahil second game naman sila ay nag-warm-up muna sila sa labas.
Magka-pares si Ria and Jessey sa warm-up.
RIA: Ate Jess, sure ka ba na kaya ng katawan?
JESSEY: Oo naman Baby Riri, ako pa! Matibay tong mga bones ko noh. *biro nito*
RIA: Basta kapag medyo iba na yung pakiramdam mo sabihin mo lang ah.
JESSEY: Opo... *sabay sweet smile kaya kinilig naman si Ria*
MELA: Oi, Ria, smile pa lang yun ah, halos mamatay ka na diyan sa kilig. *lalo tuloy namula si Ria*
JESSEY: Ikaw talaga Mela, dun ka na nga. Niloloko mo nanaman tong Baby Riri ko eh.
MELA: Oi, Jessey hinay-hinay lang sa kaka-baby ah. Siguro sa’yo walang malisya pero kay Ria panigurado meron... HAHAHAHA! *natahimik lang tuloy si Ria at hiyang-hiya*
JESSEY: Shooo! Shoooo! Shoooo! Lubayan mo kami. Wala ka ng inatupag kundi asarin tong si Ria.
Umalis na nga si Mela at nagpatuloy na nga sila sa kanilang warm-up. Masaya at maayos naman ang warm-up nila ngunit hindi sinasadya ni Ria na mapalakas ang palo sa bola at natamaan si Jessey sa mukha. Hindi rin nila namalayan na saktong papalapit si Mika at nakita niya ang nangyari, kung kaya’t dali-dali itong lumapit kay Jessey.
MIKA: BF, okay ka lang? *habang hinahawakan ang mukha ni Jessey*
JESSEY: *medyo napapa-ngiwi sa sakit* BF... Okay lang naman, medyo masakit lang.
RIA: *mukhang sobrang guilty* Ate Jessey, super sorry. *lalapit na kay Jessey*
MIKA: Ops!!! Diyan ka lang baka lalo mo pang masaktan tong BF ko. *inalalayan niya si Jessey sa pagtayo*
JESSEY: Ang OA mo BF ah. Huwag mo ngang tinatakot masyado tong si Ria. Saka di naman niya sinasadya eh.
RIA: Sorry talaga Ate Jessey. *at lumapit na nga kay Jessey at hinawakan ang kamay nito*
MIKA: *medyo naiinis* Ikaw Ria mag-ingat ka naman.
JESSEY: Tama na BF. *pagsuway nito* Hindi naman niya sinasadya eh. Ok lang yun Ria, at least hindi ako na-facial during the game, hindi ako makikita sa tv. Hehehe! *dahil sa pagtawa ni Jessey ay napangiti na rin si Ria* Oh, mag-cr muna ako.
MIKA: Samahan na kita BF!
RIA: Samahan kita Ate Jess!
JESSEY: Hahaha! Huwag na kaya ko naman eh.
MIKA: Oh sige babalik na rin muna ako sa team.
JESSEY: Okay.
Pag-alis ni Jessey. Biglang tiningnan ni Mika si Ria ng seryoso.
MIKA: Oi ikaw Ria, hindi pa nga kayo ng BF ko sinasaktan mo agad. Kung hindi mo siya kayang alagaan pwede tigil-tigilan mo na yang plano mong panliligaw ah.
Nagulat si Ria sa mga sinabi ni Mika. At kung paano niya nalaman na liligawan niya si Jessey. Pero hindi siya nagpatalo dito.
RIA: Hindi ko naman sinasadya yung nagyari eh. At alam mo yan. *medyo nag-aangas na siya* If i know, nagseselos ka lang nung nakita mo kaming magkasama tapos kaming dalawa lang. Ikaw kasi eh, ang duwag mo idol. Naunahan na tuloy kita. Jessey de Leon na yan, pinalagpas mo pa, eh sino ka ba? Mika Reyes ka lang naman eh! Isang Mika Reyes na hanggang BF lang ni Jessey de Leon.
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...