⚜️ Nigthmare reveals dark reality ⚜️
Gideon's POV
Nang mga oras na 'yon hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kaba na naramdaman ko. Matinding kaba na halos hindi ko na magawang kumilos. Madilim ang paligid pero bakit biglang lumiwanag nung hawakan ko sya. Parang may kung ano na hindi ko maintindihan.
Alam kong naramdaman ko na rin ito dati, pero ang naramdaman ko sya kanya ay sadyang kakaiba. Kakaiba na ayaw kong mawala at tiyak na hahanap-hanapin ko. May kakaiba sa mga mata nya na hindi ko maipaliwanag. Sobrang lalim na puno ng lungkot. Na tila ba ayaw ko na syang mawalaat magpatuloy lamang na samahan sya kahit saan.
Tumagal ng ilang minuto ang paglalaro ng aming mga mata. At habang nangyayari iyon ay pa namang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Yung kaba na may halong saya. Pero bakit ganun? Ang mga nakita ko sa kanyang mata ay lungkot.
Naisip ko tuloy na hinding-hindi ako aalis sa tabi nya kahit anong mangyari na kahit itaboy nya ako ay di pa rin ako lalayo. Sa mga nakita ko sa kanyang mata ay sapat na para hindi ko sya iwan.
Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero isa lang ang alam ko, gusto ko syang makitang masaya at ako ang gagawa nun para sa kanya.
Sa gitna ng isang magandang eksena ay bigla na lamang nya akong hinampas.
"Aray!" mamimilipit kong sigaw.
Hindi ko namalayan na ang tagal na pala ng aming pagtitigan.
"Elyenna!" sigaw ko pero patuloy lang sya sa pagtakbo at hindi man lang akon nagawang lingunin.
Nagulat ako sa reaksyon ng mukha nya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o kung ano, dahil bago sya tumakbo ay bahagya kong nasilip ang mukha nya at nakitang ko may nangingintab nang mga luha sa kanyang mga mata. Marahil ay guni-guni ko lamang iyon.
Kung ano man 'yong nagpapasakit sa kanya ay nais ko yung mapawi.
Third Person's POV
Malalakas na sigaw ang bumalot sa buong kaharian ng Darkenian dahil sa sakit na nararanasan ng mga immortal na pinapahirapan sa down hell o ang ilalim na parte ng kaharian kung saan kinukulong ang mga alipin para pahirapan. Dinig ito hanggang sa kinaroroonan ng ina ni Mellea na si Ametina.
Wala syang magawa kundi ang pakinggan lamang ang mga sigaw na rin at hiyaw ng mga kaawa-kaawang nilalang. Gustuhin nya mang iligtas ang tatlo ay hindi nya rin magawang gawin dahil maging sya ay wala rin lakas para ipagtanggol ang sarili kay Treyvor.
Nangiyak na lamang sya at palihim na nagdasal sa mga bathala na matapos na ang pagpapahirap ni Treyvor at nang kanyang kasamaan.
"Magpalakas ka aking, mahal." sabi ng isang mahinang boses mula sa loob ng kulungan.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...