Chapter 57

13 1 0
                                    

⚜️ Who is Ianna? ⚜️

Mellea's POV

KASALUKUYAN pa rin kaming nandito sa silid-akalatan ni Master Carrium. Wala kaming ginagawa. Tamang hinihintay lang namin si Master Carrium dahil umalis sya saglit para hanapin yung libro kung saan magbibigay kaalaman sa amin kung saan at sino ba talaga si Ianna? Bakit napaka-importante nyang tao? At kung bakit kailangan namin syang hanapin? Anong mangyayari kapag natagpuan sya ni Treyvor.


Sinabi na namin kay Master Carrium na alam na namin ang tungkol dun pero ayaw nya paawat at nagpumilit pa rin sya. Iginigiit nya na kulang pa ang kaalaman namin tungkol kay Ianna. Dahil mas magiging matagumpay ang misyon namin kung alam daw namin kung sino at ano ang hinahanap namin. Nang sa ganun mapapadali para sa aming lahat ang misyon kahit pa na ang totoo ay di talaga ito madali.


May tama nga naman si Master Carrium, kaya naman tumango na lamang kami at hinayaan syang umalis para hanapin yun. Nagpresenta pa ang ilan sa amin na tulungan sya sa paghahanap ngunit tumanggi sya. Kaya ngayon nandito kami sa sala nya, nakatunganga sa kawalan. Ni-hindi nya man lang kami binigyan or iniwanan ng gagawin para naman di kami nababagot dito. Saka nasasayang ang oras na wala kaming natutunan.


Si Gideon na sulok, nagbabasa, ang iba naman ay kung anu-anong kinakalikot sa kamay, sa kabinet ni Master Carrium at isang malupit, may natutulog. Ako? Nandito boring na boring na. Kakainis nga e. Gusto ko na bumalik ng guild para makipagkwentuhan kila Naro, dun di pa ako mabobring. Hays.


Makalipas ang ilang oras na maghihintay ay bumalik na si Master Carrium. Dala-dala nya ang libro na parang binalot na ng lumot sa sobrang berde nito. Parang tinubuan na nga ng damo e. Mabilis kaming napatayo nang makita namin si Master, napaayos kami ng tindig na parang dumating ang commander namin.


"Ahemmmm!" nauubong saad ni Master nang matapat sya sa kasama naming natutulog sa upuan. Nang mapansin ng iba ang sinaad ni Master ay agad na tinapik ng isang lalaki ang kasama naming natutulog.


Mabilis syang nagising at pinunasan ang tuyong laway sa gilid ng kanyang labi. Bahagyang napangiti naman kaming mga babae sa ginawa ng kasama namin. Nakakatawa naman kasi talaga. Buti di sya pinagalitan ni Master Carrium. Buti na lang talaga masamang tingin lang ginawa sa kanya. Balewala lang nga sa kanya ang tingin ni Master e. Hahaha. Manhid!


"Ngayon hawak ko na ang libro, hindi nito ibibigay sa atin ang buong detalye pero... makakatulong pa rin to sa misyon nyo..."


"Eh Master, nakwento na po sa amin ni Master Dymen ang tungkol sa batang sanggol na yun. Pwede na po ba tayo magtungo sa pag-eensayo?" reklamo at tila naiinip na saad ng kasama naming lalaki na nagmamayabang pa.


"Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na magandang malaman nyo muna ang naging puno't-dulo ng lahat bago tayo sumabak sa totoong pag-eensayo. Paano ka haharap sa kalaban kung hindi mo naman kilala kung sino ang kalaban? At paano ka susuong sa misyon kung hindi mo alam kung ano at sino ang misyon nyo? "


"Tama si Master Carrium. Kailangan pa rin nating malaman ang lahat ng ito. At isa pa hindi natin kilala ang batang sanggol na yun kaya paano nga naman natin sya hahanapin? Ni-hindi nga natin alam ang pagkakakilanlan nya? Mabuti na rin yung ganito para maging handa tayo." sabat ng may pagsang-ayon ng isa namin kasama.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon