Chapter 60

14 1 0
                                    

⚜️Its not the end, its just started⚜️


Mellea's POV

Agad akong napabangon sa kinahihigaan ko nang magising ako sa isang masamang panaginip. Isang masamang panaginip na sinasalakay daw ng mga dyseus ang aming kaharian. Hinahabol ko ang aking paghinga at ang bilis din ng tibok ng puso ko. Akala ko talaga totoo na.


Napagtanto ko din na nasa loob pa rin pala ako ng kagubatan at dito na ako nakatulog dahil sa nangyari kanina. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang Eno or Marikit. Kasi madalas pag nawawala ako ng matagal hinahanap nila ako. Pero ngayon nakapagtataka, hindi man lang nila ako hinanap. Hmm.


Tumayo na ako at nag-umpisang maglakad nang bigla may narinig akong sumabog, napatingala ako dahil sa makapal na usok at kung hindi ako nagkakamali ay sa kaharian nanggagaling ang pagsabog na iyon. Naliparan din ang mga ibon na namamahinga sa mga puno at nagsimula na akong makarinig ng mga sigawan.


Kumabog muli ang aking dibdib at tila nagkatotoo ang panaginip ko.


"Ang guild!" nasabi ko na lang habang mabilis na tumatakbo palabas ng kagubatan.


Nang makalabas ako, tumambad sa akin ang mga patay na katawan ng mga inosenteng mamamayan ng kaharian at ibang mga pure blood na sugatan. Inihanda ko na rin ang sarili ko para lumaban. Lahat ng madadaan kong dyseus ay aking pinapatay.


Inilabas ko ang aking kapangyarihan at gamit nito nagkaroon ako ng sandata. Pana ang gamit kong sandata ngayon na may balang tubig. Mas mabilis ito kesa sa ordinaryong pana dahil sa pinagsamang tubig at hangin. Dahil dito hindi na magagawa pang umilag ng kalaban.


Patuloy ako sa paglalakad palapit sa guild namin. Nakita ko ang mga kasamahan ko na may mga sugat na at ang iba ay duguan na rin. Nang marating ko ang mismong guild ay agad kong hinanap sina Eno at Marikit.


"Eno! Marikit! Nasaan kayo?"


Pag bukas ko ng pinto at hindi ko sila nakita, kaya muli ko silang tinawag, "Eno!?" tawag ko.


"P-rinsesa!" naiiyak na sigaw ni Eno at marikit mula sa ilalim ng higaan ko.


Sinilip ko sila at nakita ang mga kaawa-awang nilalang na ito na nakayakap sa isa't-isa. Mabilis ko silang kinuha at niyakap.


"Tara na!" pag-aaya ko. Sumunod naman sila agad sa akin.


"Wag na kayo umiyak." sabi ko habang dinadampot ang mga gamit ko.


Kinuha ko din ang espada ni ama at isukbit sa gilid ko. Inabot naman sa aking ni Eno ang kapa ng warrior guild.


"Panahon na prinsesa para isuot mo yang kapa ng warrior's guild." nakangiting sabi ni Eno. Ngumiti lang ako sa kanya at isinuot ito. Tinakpan ko rin ang kalahati ng aking mukha ng isang bandana dahil sa matinding usok na bumabalot ngayon sa buong guild dahil sa sunod-sunod na pagsabog.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon