Chapter 51

44 1 0
                                    

⚜️Warrior's Blood⚜️


Mellea's POV

Nandito pa rin kami nina Naro sa loob ng silid ko, nagkikwentuhan. Nalaman ko na nasa gitna ng kabudukan sila naninirahan, Ertheya ang pangalan ng maliit na kaharian nila. Iba't-ibang klase ng nilalang na dito mula matatagpuan sa Constellatopia. Hindi sila masasama. Katunaya, isa pa nga sila mga tinuturing na guardina natin sa mundo ng lupa.


Base sa mga kwento nila, parang gusto kong pumunta dun at makipag-kaibigan sa iba nilang kauri. Naiisip ko na baka may kagaya ni Wuba sa mundong to. Hay. Sa ngayon wala pa akong panahon para mamasyal, pero pag natapos ang misyon namin. Paglalaanan ko na talaga ng oras ang bagay na 'yon. Nakakabagot na palagi lang kami nandito sa Guild. Nakatunganga sa apat ng sulok ng kwarto.


"Prinsesa?" matining na bulong sa akin ni Marikit.


"Bakit, Marikit?"


"Nakabalik na si Master Dymen." saad nya.


"Huh? Ang bilis naman ata?"


"Oo, nararamdaman ko ang kanyang preseniya."


Tinignan ko lang ng blangko si Marikit habang kunut-noo kong binuksan ang pinto para silipin ang kaganapan sa ibaba. Hindi nga nagkamali si Marikit. Saktong kapapasok lang ni Master sa pinto. Nagsitayuan ang mga Knights at Fairies sa ibaba nang makita sya. Kasama nya si Gideo na naksunod sa likod at ang iba pang kawal.


"Maghanda kayo at magtungo sa lugar ng pagsasanay! Hihintayin ko kayo dun. Magmadali na kayo at wag magsayang pa ng oras." seryosong utos nya sa amin. Nagbulungan ang ilan. Nagtataka sila kung bakit biglaang nagpatawag ng pagsasanay si Master eh gayong, kasasabi lang nito na walang pagsasanay na magaganap.


Kahit ako ay napapatanong din sa mga nangyayari.


May kinalaman kaya ito sa babaeng nakalaban namin kahapon?


Matapos sabihin ito ni Master ay tumalikod na sya. Sumunod naman ang mga kawal nya. Hindi nawala sa paningin ko si Gideon na seryoso din ang mukha. Tumingala sya sa akin at binigyan ako ng isang napaka-lamig na tingin. Tumingin lang din ako sa kanya at di nagpadala sa mga tingin nya.


Nang makaalis sila ay tumalikod na rin ako at pumasok ulit sa kwarto ko. Naupo ako sa kama at napabuntong hininga. Akala ko makakapagpahinga na ako, hindi pa pala.


"Kaya mo bang magsanay ngayon, Prinsesa?" tanong ni Naro na may bakas ng pag-aalala sa mukha nya.


"Oo naman. Kaya ko na," nakangiting sabi ko. "Wag kayong mag-aalala, di ako mapapano dun. Gagalingan ko pa nga." dugtong ko nang may positibong tono ng pananalita.


Tumango lang sila sa akin at hinayaan na ako mag-ayos. Nagpalit na ako ng damit ko. Tamang boots na itim at black leather leggings with matching brown supoorter at white na blouse sa loob 3/4 sleeves. Nagpusod lang ako ng buhok this time. Napansin ko naman ang pagbilis ng paghaba ng buhok. Parang noong isang araw lang pinutulan ko sya tapos ngayon malapit na sya sa pumantay sa siko ko. Hindi ko na lang pinansin at mas binilisan pa ang kilos.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon