⚜️ University Day ⚜️
Someone's POV
Sa Kaharian ng Constellatopia...
"Siguraduhin nyong nakalikas ang mga mamamayan ng nayon." sigaw ng Guild Master na si Carrium na inuutusan ang mga Knight at Fairy na ilikas ang mga naninirahan sa nayon.
Nagkakagulo ang nayon dahil isang 'di kilala lalaking nakaitim ang sumubok na sirain ang Superior Shield ng Kaharain kaya naman nagdulot ito ng matinding pagyanig na nagdulot ng malaking takot sa mga taga-nayon.
May iilang mga nilalang na din ang bigla na lang nagsulputan sa nayon. Nananakit at pinapatay nila ang mga naninirahan sa nayon.
"Nalikas nyo ba lahat?" tanong ng Guild Master sa mga Knight at Fairy.
"opo Master. Naayos na din po namin ang tutuluyan nila." mariing sagot ng Knight na si Serron na matalik na kaibigan ni Prince.
"Mabuti kung ganon at ako namang ay pupunta ng Palasyo para ibigay alam sa Head Mistress ang nangyari." May pangamba sa tono ng boses ng Guild Master. Agad syang umalis at nag-nod lang si Serron.
Sa Palasyo...
"Your Majesty." Maggalang na yumuko ang Guild Master sa Reyna bilang pagbati. Nadatnan nya itong nakaupo sa isang silya sa kanyang silid habang nagsisindi ng kanyang tabako.
"Carrium! Mabuti't napadalaw ka dahil nabalitaan ko ang nangyari sa kabilang nayon. " tumayo ito sa harap ng Guild Master at nakipag-usap ng masinsin tungkol sa insidente.
"Mahal na Reyna. Nababagabag ako na baka maulit ang pangayayring ito kaya iminumungkahi ko na dagdagan pa ang mga kawal na nagbabantay sa mga kalapit na nayon." taas noong saad nito sa Reyna.
"Yan din ang naiisip kong plano ngayon Carrium ngunit kulang na tayo sa mga kawal para bantayan lahat ng mga nayon at ang Kaharian..." mariing saad ng Reyna sa kanya.
"Kung gayon kailangan na natin ng tulong ng mga Half-Breed at Pure Blood."
"Napagtanto ka na din ang bagay na 'yan kaya pinadalhan ko na ng mga sulat ang mga magulang ng mga Half-Breed at Pure Blood na kailangan ng pumarito ang kanilang mga anak..."
"Natanggap nyo na ho ba ang mga sagot nila?"
"Nakuha ko na ang mga sagot nila at sinabi na mga ilang buwan ay maaari na nilang pinadala dito ang kanilang mga anak at ikaw Carrium," Tinuro nya sya si Master Carrium.
"Ang inaatasan kong mamahala ng lahat sa pagsasanay ng mga Haff Breed at Pure Blood. Alam kong magagampanan mo ng maayos ang iyong tungkulin, kung may mga kakailangan ka para sa kanilang pagsasanay pumunta ka lamang dito at bukas ang kaharian para sayo." sunod-sunod na saad ng Reyna habang taimtim na nakikinig si Carrium sa sinabi ng Reyna tungkol sa mga plano nito.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...