Chapter 20

32 3 0
                                    

⚜️ Officially Yours ⚜️


Mellea's POV

Nakaupo kaming parehas ni Prince sa ibabaw ng kama kumakain ng noodles. Nakapagpalit na din sya ng damit, buti nga 'yon para hindi ako madistruct sa katawan nya. Nakatalukbong kaming dalawa ng kumot.


Tanging ang paghigop lang naming dalawa ang maririnig sa loob ng kwarto nya, walang nagsasalita. Parehas naming nina-namnam ang sarap ng noodles lalo na't ang lamig ng paligid. Maya-maya sabay kaming nag-dighay.


"Hmp. Saraaap!" sigaw ni Prince sabay hawak sa tyan nya.


Humiga naman sya at hinimas-himas ang busog nyang tyan. Kinuha ko naman ang wala nang laman na cup noodles nya saka tinapon sa basurahan. Kumuha ako ng tubig sa fridge at nilagyan ang dalawang baso.


Inabot ko sa kanya ang isang basong tubig at nilagok nya 'yon lahat. Muli akong bumalik sa kusina nya at nilagay don ang baso nya at 'yong basong pinag-inuman ko. Bumalik ako sa kwarto at nakita ko syang nakahiga pa din.


Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas, nakita ko na hindi pa rin talaga tumitila ang ulan.


"Kailan kaya titigil ang ulan? " mahinang bulong ko pero narinig 'yon ni Prince.


Napalingon ako sa kanya at nakitang nakaupo na't nakatingin sa akin.


"Bakit aalis ka na?" nag-kunot naman ang noo ko sa tanong nya.


Masyado kasing seryoso.


"Hindi ko naman sinabing aalis na ako ah." saad ko saka lumapit sa may paahan ng kama.


"Wag ka mo na umalis. Maglalaro pa nga tayo eh." malanding saad nya sabay kindat sa akin.


Ano na naman bang iniisip nya?


"Hoy! Prince! Nasobrahan ka 'ata sa kamanyakan ngayong ara---" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla nyang hilahin ang shirt ko dahilan para mapahiga kaming dalawa.


Nakapatong ako sa ibabaw nya samantalang nasa ilalim ko naman sya.


"Prince! Ano na naman ba 'to?" Bumangon ako pero hinigit nya ako ulit at niyakap ng mahigpit.


Naka-angat ang ulo ko para hindi maglapit ang mukha namin. Sobrang lapit nya naman kasi. Lumuwag ang yakap nya sa beywang ko at inalis ang kanang kamay nya para hawiin ang buhok na tumatabon sa mukha ko, inipt nya yon sa likod ng tenga ko.


Nakakilos naman ako na maluwag at umangat ako ng konti para maging malayo ang agwat ng mukha namin. Itinukod ko ang kaliwang kamay ko sa may gilid ng ulo nya para pang suporta baka kasi bumagsak na naman ako sa dibdib nya. Samantalang ang kaliwa nyang kamay ay nananatiling nasa beywang ko nakahawak.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon