⚜️Unexplained Feeling⚜️
Sa Kagubatan ng Thyeria...
Thirds Person's POV
Mabilis na nakarating ang grupo nina Heneral Aries sa kagubatan ng Thyeria. Bumalik na din sa dating anyo si Master Dymen nang makababa lahat ng mga sakay nya. Nagmasid at nakiramdam ang lahat sa paligid. At sa kanilang pagmamasid sa paligid, may nakita silang mga bakas ng dugo. May ilan ding bangkay ng mga kawal ang nakahandusay sa lupa. At mga bakas ng itim na abo sa lupa.
Lumapit si Heneral Aries sa isa mga itim na abo na nasa lupa. Lumuhod sya at kumuha ng konting abo saka ito inamoy. Ito ang isa sa mga kakayahan ni Heneral Aries, ang imbestigahan ang mga pangyayari gamit lamang ang kanyang pang-amoy.
Napansin sya ni Carrium kaya lumapit ito sa kanya.
"Ano? Heneral? May natuklasan ka ba?" tanong nya kay Heneral Aries na mukhang nag-iisip ng paliwanag. Hindi sya kaagad nakasagot dahil mukhang seryoso ang Heneral sa kanyang iniisip na tila meron itong natuklasan.
Nang mapansin ng iba ang ginagawa ni Heneral Aries ay nagsipa-lapitan na ang lahat sa kanila kasama ang ilang Guild Master para alamin kung ano ang natuklasan ng Heneral. Lahat sila ay nakatingin lamang sa Heneral at naghihintay ng sagot habang iba naman ay nagbubulungan.
"Ano ang ginagawa nya?"
"Shh. Wag kang maingay dahil kailangan ng matinding konsentrasyon ni Heneral Aries upang malaman nya ang mga naganap dito."
Natigil ang bulungan nang biglang tumayo si Heneral Aries at saka umiling.
Tumingin sya ng seryoso kay Carrium at sinabing, "Hindi na natin sila matatagpuan pa dito. Nakuha na sila ng mga kalaban." Malamig na sabi ni Heneral Aries saka tumalikod at naglakad palayo sa kanila. Napabuntong-hininga na lang ang lahat sa nalaman. Mababakas sa kanilang mga mukha ang pagka-dismaya at pag-aalala.
"Anong ibig mong sabihin, Heneral Aries?" tanong ni Carrium habang sumusunod sa likuran nya.
"Hindi 'yon maaari. Ibig mo bang sabihin na nakuha na sila ng mga demonyo."
Sumakay na sa kabayo nya si Heneral Aries. Ngunit, di pa rin tumitigil si Carrium sa katatanong kaya naman humarap ito at nagsalita muli.
"Carrrium. Sinasabi ko sayo na wala tayong mapapala dito kundi ang bumalik na sa palasyo. Doon ay magagawa nating pag-isipan ang susunod nating hakbang at isa pa kailangan na itong malaman ng mahal na reyna."
Hindi na sumagot pa si Carrium at nangulit sa Heneral. Lubos na n'yang naiintindihan at napagtanto na nyang tama ang Heneral sa mga sinabi nito. Naatigilan sya sa mga serysong tingin nito. Hinayaan na nyang makaalis si Heneral Aries na sakay ng kanyang kabayo. Atsaka lumapit naman sya sa ibang Guild Master na parang lantang gulay.
Lubos na nalungkot si Master Carrium sa nalaman dahil tinuturing na nyang mga anak sina Cleyton, Andrexa at Serron. Ngayon na nasa panganib ang tatlo parang nawalan na rin sya ng pag-asa. Hindi sya makapaniwala na mangyayari ito kanya mga magigiting na mandirigma.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasíaA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...