⚜️ Meet Gideon ⚜️
Mellea's POV
Nakarating kami sa parang terminal ng Constellatopia. Kapapansin-pansin ang mga lumang istilo at istruktura nito na talaga nga namang nakakamangha. Kahit na makaluma na ang disenyo ng mga ito, maganda pa rin tignan sa mata. Nagpapakita lamang na mahusay sa pag-alaga ng mga kagamitan ang mga mamamayan dito at talagang binibigyan nila ng halaga ang bakas ng nakaraan.
"Wow!" komento ni Suberbia nang tuluyan kaming makapasok sa loob.
"Oo." tipid na sagot ko. Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil namangha na ako sa nakikita ko.
Napakalaki ng terminal na ito. Gawa sa pinaka-magandang kahoy ang bawat haligi nito. May dalawang malalaking train ang na sa gawing kanan at iba't-ibang klase ng karwahe at kabayo ang na sa gawing kaliwa. Naglakbay ang tingin ko sa buong paligid at namangha sa nakikita ko.
Napaka-raming Pure Blood at Half Breed na nandito ngayon. Halos di na mahulugan ng karayom dahil sa dami namin dito. Hindi ko halos makilala ang iba sa kanila dahil nakatakip ang mukha ng iba at nakatabon naman ang mga kapa nila sa kanilang ulo.
Nagsisimula na rin na umingay ang paligid dahil sa kabi't-kabilang usapan at tawanan ng mga Pure Blood at Half Breed. Parang kami lang ni Suberbia ang tahimik sa isang tabi. Napapalibutan kami ng kumpol ng mga Pure Blood hanggang sa matigilan ako dahil sa pagdaan ng lalaking naka-maskara.
Sa unang tingin para syang si Prince, parehas sila ng tikas ng katawan, at hugis ng mukha pero malaki ang pinagkaiba nila. Malaking malaki. Sa aura pa lang ng lalaking 'to masasabi kong hindi sya basta-bastang Pure Blood lang. Napansin ko 'yon dahil sa sagisag na nakatatak sa damit nya.
Kung hindi ako nagkakamali, sagisag 'yon ng reyna na kung saan tanging ang may matataas lang na katungkulan sa Kaharian ang magkakaroon nun. Mabilis akong natauhan dahil hindi ko namalayan na natulala na pala ako habang tinitignan syang mawala sa paningin ko.
Natabunan na sya ng mga Pure Blood at pumagitna na sya. Likod na lamang nya ang nakita ko at hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tignan sya. Namimiss ko lang siguro si Prince kaya kahit saan ako tumingin sya pa rin ang nakikita ko.
"Paumanhin, Prinsesa!" Mabilis akong napatingin sa lalaking bumangga sa akin. Sa pagkakaalam ko miyembro sya ng Warrior's Guild base na rin sa simbolo na nakikita ko sa kapa nya.
"Pasensya." muling sambit nya. Hindi ko sya pinansin sa halip at inayos ko na lang ang hood ng kapa ko na natanggal sa aking ulo. Mabilis ko itong binalik sa aking ulo at tumingin sa kanya.
"Pasensya na talaga." Tumango lang ako dahil medyo naiinis na ako sa paulit-ulit na paghingi nya ng paumanhin.
"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo." sermon ni Suberbia sa kanya.
"Pasen---" akmang yuyuko pa sana sya kayo pinigilan ko na sya agad.
"Okay na." tipid na sagot. Hindi ko kasi gusto na niyuyukuan ako. Hindi naman ako mataas na Pure Blood para ituring ng ganun. Sapat na nag-sorry sya pero 'yong paulit-ulit na paghingi ng sorry sobra na.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...