Chapter 63

9 0 0
                                    

Surreal Nightmare


Prince Cleyton's POV

Sa kaharian ng Constellatopia...

Sa mga nakalipas na mga araw, ang daming nangyari, ang daming napinsala, nasaktan at nawalan ng mahal sa buhay. Ang kasakiman ni Treyvor ay nagpapatuloy pa rin at kami ay nandirito pa rin. Nakakulong sa loob mismo naming kaharian. Wala kaming magawa upang tulungan ang aming mga kasamahan sa labas at nagpapatuloy sa kani-kanilang mga misyon. At wala kaming balita ni kahit isa sa kanila kung kompleto pa ba sila o kaya'y nasa maayos na lugar sila.

Sumisikip ang dibdib ko pag naiisip kung nasa labas rin si Mellea at kasama ang ibang mga Pure Blood na tumutupad ng tungkulin para mapigilan ang paghahari ni Treyvor. Samantalang ako, nandito ngayon sa kaharian nakaupo lang sa biranda ng kwarto ko at tinatanaw ang malaki at nagliliwanag na buwan. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pangungulila sa kanya.

Hawak ko ang kwintas na pinagkatiwala ng ina ni Mellea sa akin, nagtataka ako kung para saan ang bagay na ito. Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon na gusto kong itanong kay Mellea. Ngunit ang lahat ng iyon ay napapalitan ng pananabik na makita sya.

"Tila ba pinaglalaruan tayo ng tadhana? Bakit tayo pa ang napili nya?" napapangiting sabi ko habang ininisip ko ang magandang mukha ni Mellea.

"Nasasabik na akong makita ka Mellea, kaya hintayin mo ko." muli kong naisambit.

Maya-maya pa'y pumasok si Serron at sinilip ako sa may biranda. Naramdaman ko ang pagdating nya kaya hindi na ako nagtaka pa.

"Prince Cleyton, nasa bulwagan pa rin ang lahat. Binabantayan nila ang mga eskperto sa pag-kukumpuni ng mga lagusan. " ngunit natawa lang ako sa kanya dahil sa magalang na pananalita nito.

"Ano bang sinasabi mong Prince Cleyton dyan." nakangiting tanong ko sa pagtataka sa tinuran nya.

"Pinapatawa lang kita kasi tila ang seryoso ng iniisip mo." sabi nya saka ibinaling ang tingin sa kawalan.

"Alam mo, Serron nagtataka ako kung bakit hindi ko nagawang kilalanin ang sarili kong kasintahan na isa pa lang syang pure blood. Kilala ako bilang magaling sa pangingilatis ng mga bagay, mahusay din ako magmasid at makiramdam ngunit bakit sa kanya hindi ko nagamit ang kakayahan ko, hinayaan ko syang gawin ang lahat ng ito."

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Cleyton. Hindi mo kasalanan ang mga nangyayari sa inyo. Hindi nyo kasalanan na umabot kayo sa ganito. Magka-lahi nga kayo ngunit nasa ibang mundo naman sya ngayon. Maaaring parte ito ng inyong malalim na pag-iibigan at susukatin ang katatagan nyong dalawa." mariing saad ni Serron habang kapwa sila nakatingin sa kawalan.

"Napahanga mo ko, Serron. Sabihin mo isa ka bang makata?" napatingin ako sa kanya nang may pagkamangha.

Napakamot naman sya ng ulo. "Ewan ko nga ba kung ano tong lumalabas sa bibig ko. Minsan nagugulat na rin ako sa sarili ko. Pagkatapos ng kaguluhan na ito ay mag-aaral na akong maging makata." at kapwa kami nagtawanan sa sinabi nya.

At sandaling natahimik kami bago ako muling sumagot sa kanya.

"Tama ka, Serron. Kung ang lahat ng ito ay parte lang, tiyak akong mas maraming magagandang bagay ang mangyayari dahil kami ni Mellea ang bubuo sa kwento at walang magagawa ang tadhana." naisambit ko sabay tingin ko sa espada ko na nasa higaan ko. At isang tapik sa balikat ko ang natanggap ko kay Serron.

Ilang minuto pa kaming nandito nang makarinig kami ng isang malakas na sigawan at malakas na pagsabog. Nagkatinginan kami ni Serron at tila ba pareho kami ng iniisip. Agad kong kinuha ang espada ko nang hindi umaalis sa pwesto ko, mabilis ko itong pinalapit sa akin at nang mahawakan ko na sabay kaming tumalon sa mataas na biranda ng kwarto ko.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon