Chapter 15

35 2 0
                                    

⚜️ Don't you ever leave me again ⚜️


Mellea's POV

University Day ngayon kaya maraming booth ang nasa paligid. Naglagay din sila ng Perris Wheel sa likod ng Science Building. Malapad kasi sa likod non, tapos kaliwa't kanan naman ang tugtugan. May mga free videoke booth kasi, hindi na nga maintidihan 'yong kanta nila dahil sabay-sabay ba naman silang kumakanta tapos magkakatabi pa.

May mga marriage booth din na hinding-hindi nawawala sa mga ganitong event. Never pa akong naka-experience ng ganyang marriage booth eh sana bago ako maka-graduate ng college, ma-experience ko din 'yan.

Tagal naman ni Prince. Magkaka-ugat na ako dito sa upuan. Saan ba kasi 'yon pumunta?

Sa tagal ni Prince dumating, naisipan kong bumili ng shake malapit lang din sa inuupuan ko kaya iniwan ko na lang muna don 'yong paper bag ng pinamili ko.

"Ate pabi---" Napatigil ako ng biglang dumilim ang paningin ko tapos may naririnig akong nag-sosorry.

"Sorry po ate, napag-utusan lang po kami." sagot ng boses babaeng nag-blindfold sa akin.

"Oy saan nyo ko dadalhin? Mga bata kayo? Alisin nyo nga 'to!" Pag-uutos ko sa kanila pero parang wala silang naririnig at patuloy lang sa paghila sa akin papunta sa kung saan. Tumigil na kami sa paglalakad at naririnig ko sila na.

"Ito na lang isuot nyo sa kanya kasi nagamit na 'yan kanina ng bride." nagulat na lang ako sa narinig.

"Bride!?" sigaw ko.

"Teka! Nasa Marriage Booth ba tayo? " tanong ko sa taong nakahawak sa braso ko.

"Opo, Miss." sagot nya.

Pagkasabi nyang 'yon parang gusto ko ng pumiglas.

"Ayoko! Alisin nyo ko dito! Ayoko! " Naramdaman ko namang sinusuot na nila sa aking 'yong gown siguro 'yon.

"Okay lang po 'yan, Miss. Saglit lang naman po ito saka sayang naman po kasi 'yong binayad ng groom for this." sagot ng boses babaeng nagsusuot sa akin ng gown.

Binayad ng groom?

Sino naman kaya 'yon?

"Anong okay? Ayoko nga! Ako ng bahala sa ibinayad nya, alisin nyo lang ako dito."

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin na nandito na ako. Hindi din naman nila pinapansin 'yong mga sinasabi ko sa kanila kahit pa na pumiglas ako hindi din naman ako makakaalis dahil nakaposas 'yon kamay ko.

Magsasayang lang ako ng lakas kaya I-gagrab ko na lang 'tong oppurtunity, pinapangarap ko din naman 'to eh ang maranas ang maikasal sa kahit kunwari lang sa crush ko.

Sana si Prince 'yong groom.

Nang pakiramdam ko naka-pwesto na kami ng maayos at nakaharap na sa isa't-isa ay tinanggal na nila ang piring.

Nagulat na lang ako sa nakita ko na hindi pala si Prince 'yong groom kundi 'yong classmate ko noong first year na si Janus.

"Hi." dinig kong bati nya sa akin.

"Hi din." saad ko naman. Ngumiti naman sya.

Sayang dapat si Prince na lang dapat e pero okay na din 'to. Saan na kaya 'yon?

"First year tayo Mellea, crush na kita. Sorry kong hinila kanila dito. Sinabihan ko naman sila na wag kang pwersahin e kung ayaw mo sumama, wag ka nilang pilitin kaso."

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon