Chapter 4

82 4 0
                                    

⚜️Creepy Creature⚜️

Mellea's POV

Natapos kaming kumain ni Seb at sa katakawan namin parehas kaming napa-dighay dahil sa sobrang busog naming dalawa. Napa-sandal na lang kami sa headboard ng upuan at nagpatunaw ng kinain.


"Solve na solve ako bes. Ahh!" sabi ko sa kanya habang hinihimas ang tummy ko.

"Ako din nga!" masayang tugon nya.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay napansin naming nagtatakbuhan ang mga estudyante palabas ng mga room nila at iisang direksyon lang ang pinupuntahan nila kaya nagtaka kami ni Seb at lumabas na ng Canteen.

Pagkalabas namin ay nagtanong kami sa isang estudyante kung anong nangyayare.

"Miss, anong meron sa labas? Bakit nagkakagulo sila dun? " tanong ni Seb sa babaeng dumaan sa harap namin.

"May kakaibang patay na nilalang daw na nakita sa likod ng campus. Nakakatakot nga eh!" sabi nya. Bakas naman sa mukha nya ang pangamba at takot.


"A-ano? Anong nilalang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Seb sa babae.

"Hindi pa daw tukoy kung anong klaseng nilalang. Errr. Kinikilabutan nga ako!" sagot ng babae sa kanya at saka umalis na ito.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng babae kaya itong curiousity namin ay dinala kami sa likod ng campus. Nakita namin ang police line na nakapalibot dun.

Mga pulis na nakakalat at ang iba ay pinigilan ang mga estudyante na makalapit sa kinalalagyan ng nilalang na yun.

Gusto sana naming makita 'yung itsura ng sinasabi nilang nilalang pero nakatakip na ito ng puting tela. Walang makapag-sabi kung ano ito.


Madaming mga estudyante ang nagbubulungan. Inikot ko ang paningin ko sa paligid halos lahat sila takot na takot. Mas lalo tuloy akong nacucurious.


Anong ba kasing itsura ng mga sinasabi nyo?

Ano na 'yong sinasabi nilang nilalang?


Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Seb sa braso ko at mabilis akong hinila. Ang bilis talaga makahanap ng daan 'tong kaibigan ko. Nakapasok kami na hindi manlang napapansin ng pulis dahil na rin siguro sa dami ng estudyante na hinaharangan nila.

Sa bilis ng paglalakad namin ay namalayan ko na lang na nasa harap na kami ng bangkay. Gusto sana namin makita kaso nahuli na kami ng pulis at sapilitan na kaming pinapalabas.


"Bawal kayo dito." Utas ng pulis sa amin habang tinataboy na umalis.


"Sige na po Manong." Pakikiusap ni Seb sa pulis.


"Sorry po. Bawal po kayo dito. Sige na po, wag na po makulit." sabi ulit ng pulis.



"Buhatin na yan." Utos ng pulis ng pulis sa nagpaalis sa amin sa isa nya pang kasaman.

"Opo sir." sagot nito ng isang pulis na nakatayo malapit sa bangkay.

Wala kaming nagawa ni Seb kundi ang umalis pero sa huling pagkakataon ay lumingon ako at sinulyapang muli ang bangkay na may takip na puting tela pero sa paglingon ko, sumabay ang malakas na hangin dahilan para umangat ang tela at bumaba ito sa may bandang dibdib ng bangkay.


Nakita ko ng buo ang kanyang itsura, nakamulat pa ito. Nakakatakot nga ang kanyang mukha, puno ng dugo, may mahabang buhok, malalaki ang mata at may mga mahahabang pangil sa kanyang bibig. Ang nakakatakot pa sa itsura nya na nagpataas ng balahibo ko ay ay mayroon s'yang sungay.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon