⚜️ Magical Revelation ⚜️
Mellea's POV
Tatayo na sana ako ng biglang magsalita si mama at hinawakan ang kamay ko. Umupo muli ako sa tabi nya at nagsimula naman syang magsalita at nakinig na ako.
"Siguro anak ito na ang panahon para malaman mo ang totoo mong pagkatao." Tumingin sya sa akin ng seryoso at hinawakan ang mga kamay ko.
Naramdaman ko na lang na tumaas na ang mga balahibo sa mga sinabi ni mama sa akin. Naguguluhan ako. Nanlaki din ang mga mata ko sa mga sinabi nya.
"A-ano pong ibig nyong sabihi---" pinutol nya ang sinabi ko.
"Oo anak ang totoo mong pagkatao. Ihanda mo ang sarili mo. Buksan mo ang kaisipan mo at palawakin ito. " diin nyang sabi sa akin.
Inalis nya ang tingin sa akin at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay sa hangin hanggang sa namatay ang ilaw at nagkaroon ng liwanag sa loob ng bahay.
Isang lumulutang na tubig ang nakapalibot sa amin ni mama. Nag-liliwanag ito na tila ba umaalon-alon pa ito. Napadikit ako kay mama dahil sa takot ko. Ngayon ko lamang nakita na nakakagawa si mama ng ganitong bagay mula sa kamay nya nakagawa sya ng ganitong kagandang bagay.
"Ma! " Natatakot na talaga ako sa mga rebelasyong ito.
Matagal ko ng kasama si mama pero ni-minsan hindi ko sya nakita na gumawa ng ganito. Maaari ngang totoo ang sinasabi nyang hindi kami mga ordinaryong mga tao.
"Wag kang matakot anak. Ako pa rin 'to, ang mama mo. Ang nakikita mo ay ang totoong ako. May kapangyarihan ako na gumawa ng mga bagay-bagay na gawa sa tubig kaya wag kang matakot." nakangiti syang sabi sa akin.
Tumingin naman sya sa aking muli nang matapos nya ang kanyang ginagawa sa bagay na 'yon. Inalis ko ang takot na nararamdaman at inihanda ang sarili ko sa mga malalaman ko.
"S-sige po ma." sagot sa kanya.
"Magsimula na tayo. Titigan mo ang liwanag at makinig ka sa mga sasabihin ko sayo." Umayos ako ng pagkakaupo at tinitigan na ang liwanag. Hindi naman masakit sa mata dahil tama lang liwanag nito sa mata ko.
"Labing walong nakakaran anak noong mga ilang buwan pa lang kita ipinapanganak nang biglang dumating si Treyvor sa buhay natin anak, si Treyvor ang matinding kalaban ng Constellatopia isa syang banta sa mga lahi natin,"
Sa pagsisimula ng kwento ay ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula na din na makakita ako ng mga sunud-sunod na eksena sa isipan ko. Hanggang sa hindi ko na naririnig ang boses ni mama. Para akong nanonood ng isang pelikula sa isipan ko.
Nakita ko lalaking nakaitim na inaatake ang isa lalaki na nanghihina na, sa pagkakaalam ko si papa iyon, hanggang sa bawian ito ng buhay at si mama, kung paano nya ako iniligtas mula sa kamay ng lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...