Chapter 22

37 4 2
                                    

⚜️ Enchanted Book of Truth ⚜️


Prince's POV

Kasalukuyan akong natutulog nang marinig ko ang mahinang boses ni Serron na tinatawag ako. Nagmulat ako ng mata at umupo. Mayroon kasi kaming kakayahan na makipag-usap sa kapwa namin kahit nasaan kami gamit lang ang isip.


Pinakinggan kong maigi sa isip ko ang sinasabi nya saka nagbihis at nagtungo sa sekretong lagusan ng Constellatopia. Hindi kasi maaaring dumaan sa dating lagusan dahil na rin sa utos ng Reyna.


Mahirap hanapin ang lagusang ito dahil tanging Pure Blood lang ang nakakaalam ng daang itong. Sa kagubatan ng Cellestina matatagpuan ang sekretong lagusang ito na lubhang malayo sa tinitirhan ko pero hindi ko 'yon alintana dahil kaya ko namang magteleport papunta dito kaya hindi na sya mahirap sa akin saka isa pa kung gusto kong tumakbo kaya ko dahil parang si flash kaya ko ring tumakbo ng matulin.


Ginawa ko na ang ritual at pumasok na sa loob. Sinigurado kong walang nakasunod sa akin dahil mahirap na kapag may nagsalisi sa akin.


Dinala ako ng lagusan sa kagubatan ng Cellestina na karugtong ng kagubatan ng Cellestia sa mundo ng Constellatopia. Ito ang representasyon ng kagubatan ng Cellestina. Madilim man ang paligid may konti namang liwanag galing sa tala ang nagsisilbing ilaw sa madilim na kagubatan na ito.


Huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin sa paligid nito. Mapagtatantong mas sariwa ang hangin ng mundong ito kesa sa mundo ng mga tao. Isa sa ito sa mga bagay na pinagkaiba ng mundo namin sa mundo ng mga tao.


Sa ilang minuto na paglalakad, naisipan kong tawagin ang kabayo kong si Nehriz, isa syang babaeng kabayo na may pino at puting balahibo na may mga gintong kasuotan sa mukha at katawan nito. Isa sya sa mga kabayong binigay sa akin ng aking ama nung nabubuhay pa sya, bata pa si Nehriz ng mapunta sya sa mapangangalaga ko.


Namatay ang aking ama noong nakipaglaban sya sa isang digmaan sa Kaharian ng Dystopia. Sanggol pa lang ako nung nawala sya kaya naman konti lamang ang alala ko tungkol sa kanya. Per Blood din ang aking ama at isang imoortal pero noong makagat sya ng demonyong nagmula sa Kaharian ng Darkenian ay nawala ang kanyang dugong immortal.


Kaya naman noong nalaman nyan isa na s'yang tao ay nagpumilit pa rin s'yang sumabak sa digmaan upang proteksyunan kami ng aking ina. Pati na rin ang Kaharian ng Constellatopia sa kamay ng mga mapang-abusong mga Dyseus.


Sa paglipas ng panahon, magkasabay kaming lumaki ng kabayong 'yon at saksi sya sa lahat ng labanan na pinanalo ko.


Sumipol ako ng tatlong beses indikasyon na si Nehriz ang tinatawag ko, dahil kung sobra sa tatlo ang isa kong kabayo na si Klesio.


Weuhhhhh..... weuhhhh.... weuhhhhh


Si Klesio naman ay isang lalaking kabayo na kulay itim, sya ang kabayong sinasama ko sa mga matitinding labanan dahil higit na mas mabilis sya kesa kay Nehriz. Kahit nasaan man ako basta narinig nila akong sumipol, darating sila para sa akin.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon