Chapter 26

37 3 0
                                    

⚜️ No longer a Spy ⚜️


Prince's POV

Nag-paalam ako kay Mellea na kay Sam ako pupunta pero hindi talaga dahil nais kong makausap si Sir Jemeos Alfaro. Alam kong may alam sya tungkol sa batang hinahanap ng mga kampon ni Treyvor. Ilang araw na rin n'yang tinuturo ang kwentong 'yon kaya naman naghinala na ako.


Sa klase kanina habang nagtuturo at kinikwento nya ang tungkol sa batang 'yon, nakaramdam ako ng kakaiba at bigla na lang pumasok sa isip ko na baka may alam sya.


Nang makarating ako sa harap ng pinto ng faculty, huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Mag-gogood morning sana ako sa mga teacher doon kaso walang palang tao tanging si Sir Alfaro lang ang nandito at nakaupo sa bandang dulo sa may kaliwa. Nakaupo sya doon at nakatuon ang tingin sa librong binabasa nya.


"Sabi ko na nga ba, darating ka." sabi nya.


Hindi man lang ako nilingon. Nagpatuloy ako sa paglapit sa kanya hanggang sa nakatayo na ako sa harap nya.


"Paano mo nalamang darating ako?" nagtatakang tanong ko. Ngumisi naman sya at sinara ang librong binabasa nya.


"Dahil nakita ko na ang mangyayari." madiing sagot nya sa akin.


"Ano? Nakita mo na ang mangyayari?" nagtatakang tanong at tumango naman sya.


"Kung ganoon, alam mo na din siguro kung bakit ako naririto?" saad ko.


" Oo. Alam kong gusto mo akong tanungin sa mga alam ko pero sinasabi ko sa wala akong alam dahil may limitasyon din ang kapangyarihan ko, hindi lahat ay nagagawa kong makita... pinapunta ako dito ni Master Carrium para magpanggap na si Sir Jemeos Alfaro upang bantayan kayong mga batang Pure Blood."


"Kung ganoon sino ka? Nasaan ang tunay na Sir Alfaro?" tanong kong muli sa kanya.


"Ako si Renesis, kagaya mo isang din akong Pure Blood at hamak na mas matanda ako sayo. Wag kang mag-alala, natutulog sya ng mahimbing. Mukha, katawan at isip nya lang kinuha ko ngunit sa oras na matapos ako sa pagbabantay sa inyo, muli ko ding ibabalik ang katawan nya at mukha nya.. magigising ulit sya.


"Nasa maayos syang kalagayan kaya wag ka sana mag-alala."


Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi nya, may tiwala naman ako na nagsasabi sya ng totoo.


Napatuon ang pansin ko sa librong binabasa. Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong librong ang kanyang binabasa.


"Bakit nasayo yan?" gulat kong tanong sa kanya.


"Ngayon mo lang ba napansin? Ito ang gamit ko kanina habang nagkikwento sa inyo sa klase." nagtatakang tanong nya.


Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon