Chapter 43

34 0 0
                                    

⚜️ Mystic Assembly ⚜️


Sebry's POV

Sa dami ng mga Pure Blood na nandito, hindi ko na makita si Eno kung saan pumunta. Kahit saan ako lumingon, hindi ko sya makita. Saan ka pumunta ang loko na 'yon? Pagtapos naming ihatid sa silid damitan ang mga Pure Blood, di ko na sya nakita.


Nandito ako ngayon sa gitna ng mga Pure Blood, sa hanay ng mga StoneHard Guild. Sa kaliwa ko, nakatayo ang grupo ng SkyWater Guild katabi ang Uniquisig. Sa kanan ko naman nakatayo ang Earthings Guild at sa paligid ng bawat guild ay may mga taga-Warrior's Guild na nagbabantay sa amin.


Alerto silang nakatayo aat nagmamasid sa paligid para sa kaligtasan ng lahat lalo na't patungo na dito ang reyna. Kaya dapat dobleng pag-iingat ang kanilang gawin dahil sa mga oras na ito di namin alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan.


Maraming nanggaling sa labas kaya naman di maiiwasan na baka may mga nag-eespiya sa mga galaw namin. Hindi naman sa pinaghihinalaang ko ang iba dito pero may mga awra sila na hindi ko nagugustuhan.


Sa pananatili ko dito sa Constellatopia, natutunan ko ang mag-isip ng mas malalim. Isa 'to sa mga dapat taglayin ng isang Fairies para mautakan ang mga kalaban sa mga hakbang nila. Mainam na parati kaming handa sa mga posibleng mangyari.


"Hinahanap mo ba ako?" bulong ng isang lalaki malapit sa tenga ko.


Tumindig ang balahibo ko sa buong katawan ko dahil sa pagdampi ng hininga nya sa leeg ko kasabay nun na may pumitik sa dibdib ko. Nasa likod ko sya at hawak nya ang dalawang braso ko.


"Hahahaha! Ikaw ah, hinahanap mo ko." nakangiting sabi nya sabay bitaw ng kapa ko at muli nyang binalik ang hood ko sa ulo.


Anong meron sa lalaking 'to?


"Hoy. Anong hinahanap ang sinasabi mo dyan? Hindi no. Pinagmamasdan ko lang sila." sabay turo ko sa mga Pure Blood na sa paligid namin.


"Talaga? Bakit mo naman sila tinitignan, Prinsesa?"


"Wala naman. Nakakatuwa lang na nandito na sila." sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Panay kasi ang tiitig nya sa mata ko, di ko kaya tagalan ang mga 'yon e.


"Ah pansin ko nga." sambit nya. Napansin ko naman na inalis na nya ang tingin nya sa akin at umayos na ang tayo sa tabi ko. Nakatingin na sya sa harapan.


Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagkakadikit ang balikat namin. Nakakapagtaka pero nagugustuhan ako ang pakiramdam kaya naman mas mas nilalapit ko ang balikat ko sa kanya nang hindi nya nararamdaman.


Hindi ko mapigilan na titigan ang mukha nya. Mabuti na lang ay naka-hood ako kaya di nya na mahahalata na nakatingin ako sa kanya ngayon. Palihim akong pinagmamasdan ang mukha nya habang inilalarawan ko sya sa isipan ko.


Matangkad syang lalaki na may malambot na buhok. May kalakihan ang mga braso nya, malapad din ang balikat. Mahahaba ang pilik-mata nya at mala-abong mga mata.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon