Chapter 37

45 3 0
                                    

⚜️ Love starts to bloom ⚜️


Sebry's POV

Dinala ako ni Eno sa lugar na hindi ko alam. Sumakay lang kami sa kabayo nya at nakarating kami sa lugar na tinatawag nilang City of Cyntopia. Hindi ko akalain na may City din pala sila dito. Ang alam ko kasi puro kabundukan at kagubatan lang ang lugar na 'to. Hindi naman kasi ako nainform na may ganito pala dito.



"Welcome Sebry sa aming pamosong City of Cyntopia." Saad nya habang nakaharap sa akin at naka-spread ang dalawang kamay na halata naming pinagmamalaki talaga niya ang lugar na 'to.



"Bakit dinala mo ko dito?" tanong ko naman sa kanya.



"Bakit ayaw mo ba dito?" bigla namang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha nya.



Sa mukha nya ngayon parang di sya taga-Warriors Guild e.



"Hindi naman. Actually, ang ganda nga e. Nagtataka lang ako kung bakit mo dinala dito."



"Halata kasi sayo na nababagot ka na kaya naman naisipan kung dalhin ka dito. Baka sakaling, maging masaya ka kahit papaano. Sa isa pa, ibinilin ka sa akin ng iyong ama, kaya naman susundin ko ang utos nya."



Ang haba ng paliwanag nya kaya hindi na ako nag-react pa. ganun ba talaga kahalata na naboboring na ako sa lugar na 'to. kung noon pa sana sinabi sa akin ang lugar na 'to edi sana nakapag-saya man lang ako no at hindi 'yong nabubulok na ako sa kwarto buong maghapon na walang ginagawa.



"Sige. Tara! I-tour mo ko dito at wag mo kong iiwan." Pagbabanta ko sa kanya.



"Anong i-tor ang sinasabi mo?" Hays, oo nga pala. Hindi ng apala laat dito ay nakakaintindi ng English at salita ng taga-lupa.



"Ibig kong sabihin, ilibot mo ko."



"Ah ganun ba. Yon pala ang ibigsabihin nun. Masusunod, Prinsesa." Sagot nya.



Nagsimula na kaming maglibot-libot at sinabi naman nya sa aking ang tungkol sa City of Cyntopia. Nabanggit nya na dito nagaganap ang palitan ng mga kalakal mula sa ibang kaharian. Ito rin ang sentro ng kaharian. Makikita dito ang nagtataasang mga gusali. Makulay at feeling ko nasa candyland ako.



Maraming pwedeng pasyalan at pagka-aksayahan dito. Hindi papel na pera ang ginagamit dito kundi purong dyamante ang ginagamit nilang pambayad dito. Jusmee hindi ba nila alam na ang isang piraso ng dyamante ay nagkakahalaga na ng milyon sa lupa. Pero dito parang isang libo lang ang halaga nito, kapag sobra ang bayad babaryahan lang nila ng maliliit na dyamante.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon