Chapter 23

39 3 0
                                    

⚜️ Too much love will destroy you ⚜️


Prince's POV

Ilang minutong pananatili ko dito nang mapagpasyahan kong umalis na. Pinunasan ko ang natitirang luha sa mata ko at sumampa na sa kabayo ko pero muling may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Andrexa na papalapit sa akin kaya bumaba ako at hinarap sya.


Napansin ko ang ngiti sa kanyang mga mata at labi pero hindi ko pinansin 'yon.


"Buti naabutan pa kita. Teka bakit namumula ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong nya.


"Ah wala 'to. Puyat lang siguro ako." ani ko ngunit parang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.


"Puyat?" nagtatakang tanong nya.


Nakalimutan ko na hindi nga pala nag-eexist ang ganitong salita sa mundo namin tanging sa mundo lang ng mga tao ginagamit ang salitang ito.


"Ah wala. Wala lang 'to. Bakit nga pala naparito ka? Anong pakay mo?" mariing tanong ko.


"Ah nais ko sanang ibigay 'to. Masarap 'yan." nakangiting sabi nya saka inabot sa akin ang basket na puno ng pagkain.


"Hindi ka na dapat nag-abala pa pero salamat na din dito. Magugustuhan nya 'to." saad ko pero mukhang nagtaka sya sa sinabi ko.


"Paumanhin pero sinong tinutukoy mo?" tanong nya muli.


"Ahm. Kaibi---" Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita sya kaagad na hindi manlang ako pinapatapos.


"Kasintahan mo?" aniya.


Hindi kaagad ako nakasagot at bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Nag-iba kasi ang timpla nya. Ang kaninang masaya naging malungkot na.


Bakit ganyan sya?


Hindi ba sya masaya para sa akin?


Akala ko ba susuportahan nya ako sa lahat ng gusto?


Kaibigan ko sya pero parang hindi ata magandang bagay na nagsasabi ako ng mga ganitong bagay.


"Ahh. Oo." Wala na akong nagawa kundi ang aminin sa kanya ang totoo kahit na alam kong masakit para sa kanya. Gusto ko naman na magpakatotoo.


Mukhang alam ko na kung bakit sya nagkakaganyan sya sa tuwing nakikita ako, sa tuwing pag-uusapan namin ang tungkol sa pag-ibig bigla na lang syang nagkakaganyan.


Matagal na kaming magkakilala ni Andrexa, mga bata pala kami nina Serron magkakasama na kami. Nasubaybayan namin ang bawat paglaki ng bawat isa at kahinaan.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon