⚜️ Polaroid Picture ⚜️
Mellea's POV
Kinabukasan, maaga kaming umalis ng kaharian na iyon. Bumalik muli kami sa bahay at nagulat na lang kami sa aming nadatnan doon. Sira-sira ang bahay at gulo-gulo ang mga gamit. Halos wala nang mapakinabangan sa itsura ng bahay ni ninang.
Naglakad kami ng dahan-dahan sa loob at sinisilip ang bawat sulok kong may mga Dyseus pa bas a loob. Nang masigurado namin na okay na at walang ibang nilalang dito ay nagsimula na kaming maghanap.
Nakwento ko kasi kay ninang habang pabalik kami dito ang sinabi sa akin ni mama bago ako mawalan ng malay sa loob ng bulang tubig. Sinabi ni ninang na baka importante ang nakasulat sa liham na iyon.
Inisa-isa namin ang mga kwarto ng bahay, bagaman wala nang natira sa parte ng mga kwarto dahil nawasak na ito. Umakyat ako ng maingat sa hagdanan dahil may mga tibag na ang bahagi nito. Hanggang sa sumagi ang mata ko sa nag-iisang pinto na nananatiling sarado.
"Ninang!" sigaw ko sa kanya na nasa ibaba din. Lumingon silang pareho ni Igniff. Tinuro ko sa kanya ang kwarto na nasa itaas at tumingala naman sila.
Sinenyasan lang ako ni ninang na umakyat na sa itaas.
Mabilis na pinuntahan ko ito at binuksan. Sa lahat ng pinto sa itaas na kwarto, sya lang ang hindi nasira at bukas. Pagkapasok ko wala na ang pader at bitak na din ang sahig. May isang baul lang na nakalagay sa bandang gilid na natatabunan ng mga piraso ng semento at mga gamit na nagka-sira-sira.
Nilapitan ko ito at inalis ang mga nakatabun sa kanya. Natagpuan ko ang isang maliit na baul ngunit naka-lock ito. Nagmdali akong lumabas para ipakita kay ninang ang aking nakita.
"Ninang!" sigaw ko habang pababa ng hagdan. Hawak-hawak ko ngayon ang maliit na baul na ito.
"Dahan-dahan lang."
"Ninang, nakita ko 'to." Pagka-baba ko nilahad ko agad ang dala kong baul. Kapwa napatingin sila ni Igniff sa baul.
"Sa tingin ko ito na 'yong sinasabi ni mama sa akin. Kaso may problema, naka-lock sya." Dagdag ko pa.
"May paraan dyan." Sambit ni ninang.
Kinuha nya ang baul at nilapag sa sahig. Pinalayo nya kami sa baul at pinapunta sa likod nya.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...