⚜️ My not so powerful but useful ⚜️
Third Person's POV
Sa Kaharian ng Darkenian...
"Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Meditys na nakatayo sa tabi ng kanyang Panginoon na si Treyvor.
Nagpaunahan naman sya harapan ang isang kawal. "Nakahanda na po ang lahat. Naiayos na po namin ang mga kagamitang gagamitin sa paglalakbay." Sagot ng isang demonyong kawal kay Meditys.
"Mabuti naman kung ganun." sagot ni Meditys.
Bumalik na sa kanyang pwesto ang kawal at yumuko ito. Walang ni-isa sa mga demonyo ang nangangahas na tumingin man lang sa mukha ni Meditys at Treyvor. Marahil ay isa na din ito sa pagpapakita ng iginagalang at sinasamba nila ang kanilang panginoon si Treyvor.
"Humayo na kayo! At dalhin sa akin ang kumadronang sinasabi ng barbarong 'yon. Hindi tayo dapat maunahan ng mga Pure Blood. Dapat ay tayo ang makauna sa kumandronang 'yon."
"Mausunod mahal na Panginoon." Humarap si Meditys sa kanya at yumuko bilang paggalang at pagsang-ayon.
"Binabasbasan ko kayo sa inyong paglalakbay." Saad ni Treyvor habang itinataas nito ang kanyang kanang kamay upamg basbasan si Meditys. Malugod naming lumuhod si Meditys upang tanggapin ang pagba-basbas nito.
Matapos nyang gawin 'yon ay itinaas nya naman sa hangin ang espada at iniharap sa kanyang mga kawal upang bigyan din ng basbas. Tinanggap din ng mga kawal ang pagbabasbas na iyon sa kanila.
Lumabas sila ng kaharian sa pangunguna ni Meditys na sinundan naman ng mga kawal at ibang mga demonyo. Dumiretso sila sa isang nag-aapoy n abatis at saka ikinumpas ni Meditys ang kanyang kamay. Matapos nya itong gawin, nabuo ang isang umiikot na lagusan patungon sa mundo ng mga tao.
Isa-isa silang pumasok sa loob hanggang sa si Meditys ang huling pumasok. Ang mga naunang demonyo na lumabas mula sa lagusan ay nag-anyong tao gayon din si Meditys. Ginawa nila ito upang di sila makilala ng mga tao na isang mga demonyo. Paraan din nila ito ng pagbabalat-kayo sa mga kalaban.
Mellea's POV
Sa isang magubat na lugar kami napadpad ni mama. Hindi ko akalain na may malaking bahay pala na nakatirik sa gitna ng bundok ng Pleya. Malayo sa kabayanan at masasabing kong napakatahimik dito. Sariwa ang hangin at malayo sa polusyong dulot ng syudad.
Nakatayo ako ngayon sa terrace ng bahay na ito. Isa syang mansion na gawa sa marmol at sobrang tibay nito. Kung tutuusin napaka-yaman talaga ng kaibigan na iyon ni mama. Kung sabagay, isa nga pala syang Pure Blood at balita ko napakayaman nya din daw sa mundo ng Constellatopia.
Nakatingin lang ako sa malayo habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mga dahon mula sa sanga nito. Ang payapa ng lugar na ito. Sana ganito din kapayapa ang isipan ko. Sa gitna ng pagmumuni-muni ko, bigla kong naalala si Prince.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...