Chapter 31

54 6 0
                                    

⚜️ Show me your dreams ⚜️


Mellea's POV

Maagang kaming pinauwi ng mga prof namin, buong araw na din na hindi nag-klase dahil na rin sa insidenteng nangyari sa university. Hindi pa rin nawawala ang takot at pangamba ng mga esudyante. Tila ba isang ghost town na ang school namin ngayon. Tahimik at wala nang mga estudyante ang makikitang naglalakad.


Matapos kasi ang pag-anunsyo na wala nang klase ay nangmadali na ang mga estudyante na umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Ang ibang mga mayayamang estudyante na nag-aaral sa university ay sinundo na ng kani-kanilang mga driver at bantay. Marahil ay mabilis na nakarating ang balita sa kanilang mga magulang kaya naman ganun na lang sila mag-alala.


Nandito kami ngayon ni Sebry sa pathway palabas ng university. Nakatulala lang ako at lumilipad ang isip kung saan-saan. Hindi ko na alam ang iisipin dahil na rin sa nangyaring pagbabago sa akin kanina. Idagdag mo ang pag-aalala ko kay Prince dahil hanggang ngayon hindi pa rin sya nagpaparamdam. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta. Hindi pa rin kasi sya tumatawag.


"Bes. Nakikinig ka ba sa akin." Natauhan lang ako ng tapikin ako ni Sebry sa balikat.


"H-huh?" nagtatakang tanong ko. Kumunot naman ang noo nya at parang naweweirduhan sya sa akin.


"Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa ako dito nagkikwento, hindi ka pala nakikinig. May problema ba?"


Tumingin naman ako sa kanya." Gusto ko na umuwi, bes." matamlay na sagot ko. "Sorry." walang ganang saad ko. Hindi ko alam pero nanghihina ako ngayon. Kailangan ko ng tubig, ng maraming tubig.


"Sige. Ihahatid na kit---" Hindi ko na sya pinatapos pa. Naglakad na ako at nilampasan sya.


Pasensya na bes. Wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon.


Nilampasan ko lang sya at hindi naman nya ako sinundan pa. Naiwan syang nakatayo sa malayo nang may katanungan sa isip kung bakit bigla na lang nag-iba ang mood ko.


Pagka-uwi sa bahay, mabilis na tumakbo ako sa kusina at uminom ng tubig sa gripo. Hindi na ako gumamit ng baso at hinigop ko lahat ng tubig na kaya kong ipasok sa katawan.


Nang makainom ako ng tubig, medyo nahimasmasan ako pero hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng matinding init sa katawan. Parang may nagliliyab na kung ano- sa loob ko. 'Yong puso ko parang siniliban ng apoy.


"Anak, bakit ang aga mo? Anong nangyari sa school nyo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni mama pero hindi ko sya sinagot. Nakatuon kasi ang atensyon ko sa katawan ko, sa nararamdaman ko.


"Umm, Ma. Akyat na muna ako ah." Nakatingin lang sa akin na may halong pagtataka. Hindi ko na lang pinansin at nagmadaling umkayat sa kwarto.


Nag-lock ako ng pinto at sinara ito. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang tubig. Hindi na ako naghubad pa ng damit at mabilis na nagbuhos ng tubig.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon