Chapter 61

12 1 0
                                    

⚜️Lost one star in the sky⚜️


Third Person's POV


NATAPOS ang isang matinding labanan ngunit batid ng lahat na darating pa ang mas matinding panganib sa kanila. Matapos ang malakas na pagyanig sa kaharian gawa ng sabay na pag-atake nina Treyvor at Prince Cleyton ay sya namang pagsara ng lagusan at mabilis silang hinigop nito papasok sa lagusan sa iba't-ibang direksyon. Sa kasamaang-palad hindi na nasunod ang dapat na syang orihinal plano. Nang dahil sa kaguluhan nasira ang lagusan at dinala sila nito sa lugar na hindi nakaatas sa kanila.


At nag-iba na rin ang kanilang mga kasamahan. Gulat na gulat at nagtatakang nagka-tinginan ang lahat kung bakit iba na ang kasama nila sa pangkat.


"Nasaan ang mga kasama ko? Bakit kayo ang kasama ko ngayon?!" gulat na komento ng isa sa likod nina Gideon.


"Oo nga! Ano bang nangyayari? Bakit nangyari ito?" sabat pa ng isang babae sa tabi nito.


Nakikinig lamang si Gideon at nakatingin naman si Mellea sa kanya na nag-hihintay ng isasagot nito. Dahil sa mga oras na ito si Gideon lamang ang makakasagot sa mga tanong nila. Ngunit parang si Gideon ay hindi na rin alam ang nangyayari sa kanila, kung bakit hindi natupad ang dapat na plano. Napansin ni Mellea ang pagkunot ng noo ni Gideon kaya naman sinikap nyang basahin ang nasa isip nito ngunit nahuli lamang sya nito na nakatingin sa kanya. Kaya naman mabilis din syang umiwas ng tingin.


Ilang minutong hindi sumagot si Gideon sa kanila samantalang naghihintay pa rin sila ng sagot dito. Nagtataka naman ang iba kung saang lugar sila napunta, inilibot nila ang kanilang mga tingin at may halong takot ang bumabalot sa iba. Dahil wala silang makitang araw kundi kadiliman, puno ng kadiliman at makapal na usok ang nasa kanilang paanan na tila ba ay nasa ibabaw sila ng mga ulap. May konting liwanag na maaaninag ngunit nasa kalayuan ito.


"Nasa mundo na ba tayo kadiliman? Bakit ang dilim? At bakit parang lumulutang tayo sa mga ulap?" wika ng isa.


"Sabihin mo nga Gideon, nasaan ba talaga tayo? Hilaga na ba to o Kanluran?" natahimik ang lahat sa pagbubulungan nang magtanong na si Mellea.


"Nasa Kanluran tayo." sagot nito nang hindi nakatingin kay Mellea.


At maya-maya pa'y biglang may nagliparang mga pana sa kanila. Napayuko at napaiwas ang lahat para protektahan ang sarili.


"Ihanda nyo ang inyong mga kalasag!" utos ni Gideon at lahat sila ay sumunod sa utos nito.


Dahan-dahan silang naglakad habang nag-iisip naman ng plano si Gideon.


"Isang direksyon lang ang pinanggagalingan ng mga pana kaya tutungo tayo dun." bulong ni Gideon sa mga nakasunod sa likuran nya.


"Kayong lahat sumunod kayo sa akin!" sigaw ni Mellea para mas marinig sya ng mga ito. Sumunod naman ang mga ito sa kanya.


Habang palapit sila nang palapit sa direkyon ng mga pana ay biglang dumami ang mga panang sumasalubong sa kanila. Na kahit ang kasalag na kanilang pangharang ay hindi na ito kinakaya dahil may malalaking pana at may apoy na ang tumatama sa kanila.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon