Chapter 62

20 1 11
                                    

⚜️Mysteries are about to unfold⚜️


Third Person's POV

NAGPALIPAS ng gabi ang pangkat nina Gideon sa isang malapad na katapatagan malapit sa nayon. Nagsindi sila ng mga kandila at nagsunog naman ng isang kapiraso ng papel si Gideon. Doon nakasulat ang alay ng dasal para sa mapayapang paglalakabay ni Sabina sa kabilang buhay.


Nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ng isa nilang kaibigan. Ngunit mas higit ang sakit na nararamdamn ni Elyx dahil sya ang mas may maraming alaala kay Sabina. Hawak-hawak nya ngayon ang kaputi ni Sabina at mahigpit ang pagkakahawak nya dito. Malayo at malalim ang kanyang tingin at hindi man lang natitinag ng kahit konti. Napansin ito ni Elyenna kaya lumapit sya dito.


"Magiging maayos din ang lahat." tapik ni Elyenna sa likod ni Elyx. Ngunit mas humigpit ang pagkakuyom ng kanyang mga kamay.


"Hindi ko mapapatawad ang gumawa sa kanya nito. Sinisiguro kong mananagot silang lahat!" matapang at may halong paghihiganti ang tono ng pananalita ni Elyenna kaya nabigla ito sa dedikasyon ni Elyx.


Na tila ba pati sya ay nagising sa katotohanan na hindi ito ang oras para maging mahina sila. Dapat ay gawin nilang lakas ng loob ang nangyari kkay Sabina. Kailangan nilang magpakatatag dahil may katapusan din ang lahat.


Naglakad palayo si Elyenna at naglakad sa kung saan. Mahaba pa ang gabi at anumang oras ay maaaring sumugod ang mga kalaban kaya naman ay nagmasid na lamang sya sa paligid. Umakyat sya sa isang bato at doon ay natanaw nya ang liwanag mula sa mga kabahayan ng nayon.


Malalim na ang gabi at mas lalong tumitingkad sa liwanag ang mga tala sa kalangitan. Hanggang sa makita nya ang isang malaki, matingkad at nagong bituin sa langit. Naisip nya si Sabina hanggang sa bigla na lamang tumulo ang kanya mga luha.


"Naging isang bituin na sya." mahinang sabi ng lalaking kadadating lang sa likod nya.


Mabilis naman pinunanasan ni Elyenna ang kanyang mga luha at huminga ng malalim.


"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Elyenna.


"Wag ka mag-alala. Magpapanggap akong hindi ko nakita ang iyong pag-luha." wika naman ni Gideon.


"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Hindi mo ba nakikita na gusto kong mapag-isa." medyo naiinis na sagot naman ni Elyenna.


"Namamahinga na silang lahat kaya naisip kong hanapin ka."


Lumingon lang si Elyenna ng bahagya saka hindi na ito sumagot pa. Tila ba walang gana makipag-usap si Elyenna kaya hinayaan nya lang si Gideon sa gusto nito. Lumapit si Gideon sa kanya ay naupo naman si Elyenna. Kapwa nila pinagmamasdan ang kagandahan ng gabi at ang liwanag mula sa nayon. Walang nagsasalita sa kanila at napaka-payapa ng paligid na tila ba walang panganib ang nakaabang sa kanila.


Makailang sandali lang ay binasag na ni Gideon ang katahimikan.


Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon