⚜️ To see is to believe ⚜️
Mellea's POV
Hinatid na ako ni Prince sa bahay pagkatapos. Kahit buong araw kaming magkasama parang ayaw ko pa ring humiwalay sa kanya kasi parang mamimiss ko sya. Hindi na naman ako makakatulog nito ng maayos.
Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil lintik na pag-ibig na 'yan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, pakiramdam ko nakalutang pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na kami na ni Prince, my love, my crush. Hay..
"by--" mag-gogoodbye na sana ako kaso pinigilan nya ako. Nagtaka naman ako kung bakit kaya napakunot-noo lang ako.
"Ayoko ng nag-gogoodbye." seryosong sagot nya.
Bakit naman?
"basta ayoko nun... I hate goodbyes." serysong saad nya.
"Sige. Ingat. " 'Yon na lang sinabi ko.
Pagkababa ko ng kotse nya, tinawag nya ako ulit. Bumaba sya ng kotse at nilapitan ako.
"Mag-iingat ka palagi ah. Siguraduhin mong nakasira 'yong mga pinto at bintana ng bahay nyo, mahirap na baka may masamang loob na..."
"Kaya ko ang sarili, Prince. don't worry." sabi ko.
Tumigil naman at hinalikan na lang ako sa noo.
"Sige. Pumasok kana sa loob." sabi na saka pumasok na ako sa loob.
Pagkapasok ko, nagulat na lang ako. Nasa likod ko pala si mama. Nanonood sa amin ng Prince.
"Kayo na?" pambungad na tanong nya sa akin. Hindi naman ako umimik sa halip ay ngumiti lang.
"Kailan pa?" tanong nya ulit.
"Kanina lang po, Ma." nahihiyang saad ko sa kanya.
"Hmp. Basta siguraduhin lang ng lalaki na 'yan na hindi ka nya sasaktan." seryosong saad nito sa akin.
"Opo, Ma. Mahal po ako ni Prince." paninigurado ko kay mama. Tumango lang sya at ngumiti sa akin.
"sige na. Magpalit ka na ang damit mo alam kong kila Prince ka galing at mukhang damit pa yan ni Prince ang suot mo."
Nagtaka naman ako kung paano ni mama nalaman na kila Prince ako galing.
"Nak, basang-basa ko na ang nasa isip mo, nakalimutan mo ba na may kapangyarihan ako at isa na dun ang bumasa ng isip kaya wag kana magtago sa akin dahil alam kong nagkiss na kayo ni Prince."
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...