Chapter 56

13 1 0
                                    

⚜️Crossed Paths⚜️

Mellea's POV

Makalipas ang ilang minutong paglalakabay papuntang kaharian, nakarating din kami. Punong-puno nang mga Pure Blood ang kaharian ngayon. Lahat sila ay nakatakip ang mukha at suot ang kanilang mga kapa. Bahagya kong tinignan ang sarili dahil di ko man lang nagawang makapagpalit dahil sa bwesit na lalaki na 'yon. Naalala ko na naman ang ginagawa nyang pagbuhat sa akin kanina.


Hays. Kakairita talaga.


Edi sana nakapagpalit ako.


Naglakad na ako palapit sa mga kasama ko. At sa biglang may nagbalot sa akin ng kapa dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Gideon na inaayos ang kapa sa balikat ko. Ewan ko ba pero ang maginoo nya sa ginagawa nya ngayon sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin si Prince. I miss him so much. So so much.


"Bakit ba umalis ka kaagad?"


"Eh malay ko bang kukuha ka pala ng kapa...bigla-bigla ka na lang kasi nawawala."


"Minsan matuto ka ding maghintay." supladong turan nya. Napa-nganga na lang ako sa sinabi nya.


"Wow sayo ha! Marunong ho akong maghintay." Madiing banggit ko sa bawat salitang sinasabi ko.


"Talaga lang ha." mabilis na ani nya.


"Oo!" sagot ko naman malapit sa tenga nya.


Kinamot nya lang 'yong tenga nya sabay tingin nya sa akin na parang naiirita sya sa kaingayan ko. Mabilis syang naglakad at iniwan ako sa likod.


"Hoy hintayin mo ko!" sigaw ko sa kanya pero di ako pinansin.


Nakatayo kaming lahat dito ngayon at naghihintay sa paglabas ng reyna. Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin sya. Kaya naman ang iba ay nagkwentuhan na lang. Nagtatawanan naman ang iba at ang iba naman ay nagraraskalan. Kung titignan ko sila sa ganitong eksena para talaga akong nasa mundo ng mga tao.


Walang pinagkaiba ang ugali ng mga immortal na ito sa mga mortal sa mundo ng mga tao.. Ang tanging pinagkaiba lamang ay ang angking kakayahan namin. Kaya naming pagalawin ang mga bagay-bagay, kausapin ang mga hayop, pasunurin ang mga elemento gamit lamang aming mga kapangyarihan.


Lubhang mapalad kami sa ganitong antas ngunit nasa amin din iniatang ang pinakamahalagang katungkulan sa mundong to. Yun ay ang iligtas ang sangkatauhan sa lahat ng kapahamakan. Mabigat man subalit ito'y nakapagbibigay sa amin ng kalakasan ng loob lalo na't pag nakikita namin ang resulta ng aming paghihirap.


Kaya kung ano man ang maging kahihinatnan ng misyon, ito ay aking ipagpapasalamat ng lubos sa kataas-taasan. Alam kong hindi kami pababayaan ni Bathala. Kailan man hindi magwawagi ang kasaaman sa kabutihan.


Third Person's POV

Natagalan ang reyna dahil may mga ilang pagbabago silang inilatag. May mga suhestyon ang ibang mga opisyales na makakapagpaganda ng kanilang stratehiya sa misyong ito. Pinag-aralan nila itong mabuti hanggang sa makuha nila ang tamang kasagutan sa kanilang misyong gagawin.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon