⚜️ Forbidden Smile ⚜️
Mellea's POV
Pumunta na kami ni Sebry sa canteen para kumain pero bago pumunta muna kami sa locker room namin para makapag-palit dahil parehas kaming basa ang damit ngayon. Kapansin-pansin pa din ang pamumula ng mga mata gawa ng pagtapon ko sa kanya ng tubig na may sabon na sakto namang pumasok sa mata.
Hindi ko naman kasi alam na papasok pala 'yon sa mata nya. Dapat talaga sa damit ko lang itatapon 'yon eh kaya nagulat din talaga ako na tumama 'yon sa mukha nya.
"Hoy!" napasigaw ako ng bigla may malakas na humpas sa balikat ko. Lumingon naman ako para tignan sya, kilala ko kasi ang boses na 'yon.
"Ssh! Ang sakit na pagkakahampas mo!" singhal ko sa kanya sabay hampas din ng malakas sa kanya bilang ganito ko. Umaray naman sya ng bahagya at nagsorry.
"Oh? Anong nangyari sa mata mo?" natatawang tanong ni Prince nang makita nya ang mata ni Sebry na namumula...
"Bakit namumula 'yan?" dagdag nya pa.
"Bakit hindi mo tanungin 'yang girlfriend mo?" mataray na tugon ni Sebry sabay tingin sa akin ng masama.
Seryoso, galit pa din sya sa akin kahit na nag-sorry na ako...hays
"Bakit? Ano bang nangyari na inyo? Nag-away ba kayo?" nagtatakang tanong ni Prince sa akin habang nakatingin sya ng diretso sa mata ko.
Gulp.
Pumintig na naman ang puso ko. Kinakabahan talaga ako kapag ganito sa kalapit sa akin. Katabi ko kasi sya ngayon at kaharap naman namin si Sebry. Kulang na lang itali nya ako sa beywang nya dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Tapos kumukuryente naman yong balat nya kapag nalalapat sa balat ko. My ghaad..
"Uhm. Hindi ko naman sinasadya eh. Bigla-bigla kasing s'yang pumapasok, hindi man lang kasi nag-katok.." palusot ko na lang. Mukhang nakumbinsi ko naman si Prince sa sinabi ko.
"Kaya ayon natapunan ko sya ng tubig na may sabon." sabi ko. Nakita ko naman na ngumisi si Sebry. Sa totoo lang nahihirapan na ako na suyuin sya.
"Sorry na talaga bes. Hindi ko naman talaga sinasadya eh." pagsusumamo ko sa kanya.
Hindi man sya tumingin sa akin, napansin ko naman na ngumiti sya ng bahagya kaya napagiti naman ako kasi hindi naman talaga sya ganoon ka galit sa akin.
"Apology not accepted!" saad nya. Napasimangot naman ako kasi akala ko okay na kami.. napansin ko naman si Prince na halos maubos na 'yong fries na binili ko.
"Hoy!" Tinapik ko ng malakas 'yong kamay nya pilit na kinukuha 'yong fries sa kamay nya na agad din naman nyang isinubo.
"Hahahaha..." sabay tawa nya.
Kakaasar talaga 'tong isa na 'to.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...