⚜️ Fearlessly Playing with Water ⚜️
Mellea's POV
Pumasok na kami sa classroom at umupo sa kanya-kanya namin mga upuan. Dumating na rin ang prof namin, naka- longsleeves polo shirt, slacks na itim at well-shined na sapatos. Bagay na bagay kay sir ang round eye glasses na parang kagaya kay Harry Potter, mas nagmumukha tuloy syang heartthrob na nerd.
Hindi boring magturo si sir Alfaro, World Literature ang tinuturo nya sa amin which isa din sa mga interes kong subject. Bukod sa maraming kwento, malalaman mo din ang history at kultura ng bawat bansa, sobrang cool nun para sa akin kaya naman kapag sya ang nagtuturo nakikinig talaga ako.
Tinuloy nya ang kwento tungkol sa batang sanggol na nakagat ng demonyo, hindi binanggit sa kwento kung anong nangyari sa sanggol bagaman nabuhay naman ng maayos ang ina ng sanggol. Walang nakakaalam sa tunay na pagkatao ng batang sanggol na 'yon dahil itinago sya ng kanyang ina sa matagal na panahon upang pangalagaan ang lahi nya at ang sanggol.
Ayon sa kanilang propesiya, ang batang sanggol na iyon ang magdadala ng banta sa lahat ng mga immortal na nabubuhay. Higit na malakas ang kapangyarihan ng batang pure ones na may halong kapangyarihan ng halimaw. Sa takdang oras, magigising ang kapangyarihang taglay nito at maghahasik ng kasamaan sa mundo ng mortal at immortal.
Hindi sya mapipigilan, sabi sa libro kapag nagising ang kapangyarihan nya mawawala ang katinuan nya at maging ang alaala nito. Kaya kahit kaibigan ka pa nya, hindi ka makakaligtas. Mawawala din lahat ng kabutihan sa puso nya at ang tanging ang maiiwan lang ay ang galit at poot sa lahat ng makikita nya.
Natapos si sir sa pagkwento at nagtanong ng mga ilang tanong sa amin kung naitindihan ba namin ang istorya.
" Sa tingin nyo, mayroon pa kayang pag-asa na maalis sa katawan ng bata ang kapangyarihan ng demonyo?" tanong nya sa amin. Nagtinginan ang mga kaklase, naghihintay sila kung sino ang sasagot sa tanong ni Sir.
Napaisip din ako sa tanong ni Sir pero wala akong maisip na sagot. Maya-maya may tumaas ng kamay at naglingunan kami sa kanya.
"Prince?" mahinang bulong ko.
Nakatayo sya at handang sumagot sa tanong ni Sir. Bago sya sumagot huminga muna sya ng malalim. Lahat kami naghihintay sa isasagot nya kaya lahat kami nasa kanya ang attensyon.
"Para sa akin sir, mayroon dahil wala naman pong bagay dito sa mundo na nilikha nang walang solusyon, maaaring maalis ang kapangyarihan ng batang 'yon.
"... kung hahalikan sya ng prinsipe nya sa takdang-panahon, malay mo sir halik ng tunay na pag-ibig lang pala ang lunas."
Lahat kami na-dissapoint sa sagot nyang 'yon. Ang iba natawa ang iba naman nabwisit sa kanya. Ako naman, ewan parang kasing may sense naman sya pero kasi parang tanga lang ang sagot nya.
"Ewan ko sayo, Crossen. Katanga mo talaga!" singhal sa kanya ng isa naming kaklase na nasa likod nya lang.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...