Chapter 64

6 1 0
                                    

Abandoned Temple


Mellea's POV

TATLONG araw na kaming naglalakbay at nagpapatuloy sa aming misyon. Ngunit, ni isang balita tungkol sa kaharian ay wala kaming nakalap. Lahat ng aming napagtanungan ay sarado ang bibig at bingi. Hindi ko alam kung takot lamang ba sila o may dahilan kung bakit hindi sila nagbibigay sa konting kaalaman sa amin sa totoong nangyari sa kaharian.

May naririnig kasi kami na naglaho na raw ang kahariang Constellatopia at bumagsak na ito sa kamay ng mga Dyseus o ang mga Darkenian. Naisin man naming bumalik sa kaharian at talikuran na ang misyon ay hindi namin magawa dahil lahat ng mapa na nagtuturo sa totoong kilalagyan ng kaharian ay naglalaho. Parang nagkakatotoo na ang mga usap-usapan tungkol sa aming kaharian.

"Wag kayong maniniwala sa mga naririnig nyo. Hanggat wala tayong natatanggap ng ulat mula sa ating kaharian ay manatili tayong kalmado at kampante na nasa mabuting kalagayan ang ating kaharian." matapang na sabi ni Gideon sa amin habang naglalakad sa kalagitnaan ng bayan ng dating kaharian ng mga diyos.

"Paano kung totoo nga ang sinasabi nila?" sabat ng asa likod ko.

"Imposible ang bagay na iyon. Matatag ang constellatopia at tiyak na hindi hahayaan ng mga masters natin na mawala yun ng ganun-ganun na lang." komento pa ng isa. At nagkibit balikat naman silang lahat.

Nagatuloy na lang kami sa paglalakad. Samantala, hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapaluha sa twing naaalala ko ang narinig kong usapan ng mga matatanda sa nayon. Bumabalik kasi sa aking isipan ang magandang anyo ng kaharian at masasayang nilalang na naroroon.

Pinipilit ko namang pinapakalma at kinukumbinsi ang sarili na na hindi iyon totoo. Dahil babalik pa kami at ililigtas sila sa kamay ng mga dyseus. Wawasakin namin ang masamang plano ni Treyvor.

"Nandito na tayo." dinig ko na lang nasabi ni Gideon nang huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto na gawa sa matibay na kahoy.

Nalula kaming lahat sa laki ng gusaling ito. Tingin ko ay isang itong lumang templo ng mga ehipto dahil sa mga simbolong nakaukit sa mga pader nito. May dalawang malaking rebolto din ng isang cobra ang nasa pinto nito na mas lalong nagpatibay sa hinala ko na templo ito ng mga Egyptian.

Luma na ang gusali at tila napabayaan na sya dahil na rin sa mga lumot at ugat na nakapalibot dito. May mga isang kagamitan at tipak ng mga semento sa loob na para bng dinaanan ito ng isang malaking digmaan.

Naglakad kami palapit sa pintuan at sinubukang buksan ito ngunit, nangangalawang na ang bakal na kandado nito kaya naman ay napilitan kaming gamitin ang aming espada para wasakin ito. Ngunit sa kasamaang palad ay walang nakagawa ni-isa sa amin.

"Akalain mo yung kalawangin na matibay pa rin."

"Mukhang may mahalagang bagay sa loob na tinatago ang templo na ito." komento ng kasamahan namin.

"Kayatayo nandito dahil yun ang aalamin natin."

"Sana clue na yun kung nasaan si beshywap Ianna." sabat naman ni Elyx na tila nagpapatawa pa. Napangiti na lang ako sa mga reaksyon ng iba naming mga kasama nang gumamit ng ibang salita si Elx.

Beshywap pa kasi.

Habang abala sila sa pagkalikot sa kandado nito ay may napansin naman ako sa gilid ng pintuan nito. Mabilis akong lumapit dito at nang hawakan ko ito ay kusang nahawi ang mga maliit na ugat na nakatakip dito. Nagulat pa ako dahil inakala ko na ahas ang mga iyon.

Pero syempre hindi ko pinahalata sa kanila.

Lumapit din sa Gideon para tignan ang bagay na ito ay mukhang napaisip din sya.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon