Chapter 38

34 2 0
                                    

⚜️ Treyvor and the Dyseus ⚜️


Third Person's POV

Sa Darkenian Kingdom...

Dismayadong bumalik ng kaharian ang grupo ni Meditys. Galit na galit na ito. Nag-aapoy ang buo nyang katawan sa sobrang galit na kanyang nararamdaman. At napagbuntungan nya ng galit ang mga halimaw na nasa tarangkahan ng Kaharian.



"Magsilayas kayo sa harapan ko! Mga tunto! Naisahan kayo ng espiyang 'yon!" galit na saad nya sa mga kawal na halimaw na nagbabantay sa tarangkahan. Hindi naman alam ng mga halimaw na ito kung ano ang tinutukoy ni Meditys. Hindi na lamang sila umimik at umalis na lang sa harapan ni Meditys.



"Saan kayo pupunta?" sigaw nya mulig sa mga halimaw na naglalakad palayo sa kanya. Lumingon naman ang mga bantay at lumapit kay Meditys.



"Sumama kayo sa akin!" pag-uutos nya. Nagkatinginan ang dalawang bantay saka sumunod kay Meditys.



Naglakad sila papunta sa Palasyo upang ibalita ang masamang balita na kanilang nalaman.



Nagmadaling pumasok sa loob si Meditys at hinanap agad ang Panginoon n'yang si Treyvor. Nadatnan nya ito sa kanyang trono at nagbabasa ng ilang mga libro tungkol sa pagbabalik ng buhay sa mga taong namatay na upang gawin kampon nya.



"Meditys! Ano 'tong naririnig ko na may dala kang masamang balita sa akin? At bakit dala-dala mo ang ating mga bantay? Sino ang nagbabantay sa tarangkahan?"



"Panginoon, hindi po 'yan ang mahalaga ngayon." Saad ni Meditys. Kumunot naman ang noo ni Treyvor kung kaya't binitawan nya ang libro at nakinig kay Meditys.



"Sabihin mo, ano ito?"



"Panginoon. Hindi totoo ang kabundukan ng Naden." Panimula ni Meditys. Mas lalo lamang nagtaka ang Panginoon nila.



"Anong sinasabi mo? Hindi ba't sinabi sa atin ng espeyang 'yon na dito sa mundo ng mga tao matatagpuan ang kabundukang iyon."



"Hindi po panginoon. Nilinlang ho tayo ng espeyang pinagkatiwalaan nyo. Napag-alaman namin na nasa mundo ng mga Healerian matatagpuan ang kabundukang iyon, ang mundo ng mga magagaling na manggagamot." Sunod-sunod na paliwanag ni Meditys.



Hindi naman makapaniwala ang kanilang Panginoon na isang hamak na half breed lang ang mangangahas na lokohin sya. Ngayon ay hindi na maipinta ang mukha ng kanilang Panginoon sa matinding galit na kanyang nararamdaman ngayon.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon