A dream that so unreal
Third Person's POV
At sa isang pambihirang pagkakataon ay muli ngang nagtagpo sina Prince at Mellea sa mundo ng mga tao kung saan una nilang natagpuan ang isa't-isa. Babalik at babalik pa rin pala ang lahat sa kung saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Nawa'y ang pag-iibigan na ito ang magligtas sa kanila hanggang sa huli. Lalo pa't nagsimula nang gumawa ng hakbang si Treyvor at mga kasama nito na mapabilis ang pagkuha nila kay Mellea.Sa isang silid ay nakita nga ni Prince na walang malay si Mellea kaya naman ubod na lamang ang pag-aalala nito. Sa di kalayuan ay may napansin si Prince na nakahandusay na isang lalaki, wala ring malay. Tumayo syang muli at pinunasan ang mga luha saka lumapit sa katawan ng isang lalaki.
"Prince."
"Mahal na prinsipe."
Dinig nyang sabi ng mga kasama nang dumating ito sa silid ngunit hindi sila pinansin ni Prince at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa katawan ng lalaki. Habang ang iba nilang mga kasama ay tahimik na pumasok sa loob at lumapit kay Mellea.
Takang-taka silang lahat kung anong mga nangyari sa lugar. At kung bakit nasa loob ng silid na ito sina Mellea.
Nang makalapit si Prince sa bangkay ay nagulat na lamang sya nang mapagtanto nyang si Gideon ito. Bakas sa kanyang katawan ang tindi ng laban na kanyang hinarap mailigtas at mailayo lang si Mellea sa mga kalaban. Nandun din mismo sa silid ang mga katawan ng mga halimaw na kanilang nakatunggali.
"Mga kasama!" sigaw ni Prince sa mga kasama nya para alertuhin sila sa kanyang nalaman.
Pagkatawag ni Prince sa kanila, ay agad namang lumapit ang iba habang ang iba naman ay nanatili sa tabi ni Mellea para bantayan ito.
"Gideon." sambit ng isa.
"Buhay pa sya. May pulso pa." saad naman ng isa na sumuri sa pulso no Gideon.
"Mabuti naman. Buhatin sya, kailangan natin silang maibalik sa kaharian sa lalong madaling panahon para malapatan ng lunas." utos ni Prince.
"Masusunod mahal na prinsipe." at saka nila binuhat si Gideon.
"Manatiling alerto sa paligid mga kasama. Nandito pa ang mga kalaban at naghihintay lamang sila ng tamang pagkakataon para atakihin tayo. Kaya naman laksan nyo ang mga pakiramdam nyo at humanda sa pag-atake. Malinaw ba?" matapang nitong sabi.
"Hindi ko mapapatawad ang kung sinumang gumawa sayo nito Mellea. Sisiguraduhin kong mananagot ang lahat ng nanakit sayo. Hindi na ako papayag na paghiwalayin pa nila tayong muli." naisambit ni Prince sa kanyanng isip.
Bumalik na ulit si Prince sa pwesto ni Mellea at napansin nyang hawak ng isa nilang kasamang babae ang kamay ni Mellea na tila ba tatanggalin nito ang telang nakatakip sa kanyang pulso.
Mabuti na lamang ay dumating agad si Prince para pigilan ang babae sa gagawin nito. Bahagya na itong sinagi at lumuhod sa tabi ni Mellea. Hinablot nya ang kamay ni Mellea mula sa babae at saka inayos ang pagkakatali ng tela. Samantalang nabigla naman ang babae sa kanyang ginawa at parang naghihinala pa ito sa kanyang inakto.
Nang mapansin ito ni Prince na napaghahalataan sya ay ngumiti na lamang ito sa babae.
"Pasensya na. Ayaw ko lang na may ibang humahawak sa kanya." pag-aalibi ni Prince para di sya pag-isipan ng mga kasama na may tinatago. Ngunit kita sa muka ng kanyang kasamahang babae na hindi kumbinsido sa dahilan nito.
"Ano pang tinatayo nyo dyan, umalis na tayo bago pa dumating ulit ang mga kalaban." wika ni Prince sa lahat pero ramdam pa din ang paniningkit ng mata ng babae sa kanya.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...