Chapter 6

66 5 0
                                    

⚜️First Move gone Wrong!⚜️

Prince's POV


Pagkatapos naming dumaan sa canteen para bumili ng mogu-mogu ay sinamahan ko sya na bumalik sa classroom nya. Pagdating dun wala kaming nakitang Sebry, kahit 'yong bag nya wala na din dun.





"Huh? Saan sya pumunta? Umuwi na kaya 'yon?" nagtatakang saad nita saka lumapit sa desk ni Sebry.




"Baka umuwi na nga sya." sagot ko na lang at kinuha 'yong gamit nya.



"Hindi man lang sya nagpasabi na uuwi na pala sya." bulong nito.




Muli syang bumalik sa desk nya para kunin 'yong gamit nya pero nakuha ko na 'to. Hindi nya pala napansin na binitbit ko na 'yong notebook nya na nakalapag sa ibabaw ng desk. Nang makita nya ako na palabas na ng pinto ay sumigaw sya.





"Oy notebook ko, akin na yan!" sigaw nya.




Pwersahan nyang kinukuha 'yon sa akin pero dahil malakas ako at matangkad ay hindi nya 'yon nagawang kunin sa akin.




"Bakit ba? Dito lang sa akin. Ako na magdadala. Hindi ko naman 'to nanakawin." sabi ko habang inaabot nya ang kamay kong nakataas.




"Prince, akin na kasi. Sige na please nakikiusap na ako." nagmamakaawa na sya pero hindi ko pa din binababa ang kamay ko.





"Mellea, ano bang meron dito at ayaw mong hawakan ko? Don't tell may mga nakasulat dito tungkol sa akin." Sumimangot sya.




Kaya naman ay tumalikod ako at ini-scan ang loob ng notebook. Sa likod ng notebook wala naman nakasulat pero sa kalagitnaang bahagi bahagyang nagpabilis ng lukso ng puso ko.





"I love you, Prince Cleyton Crossen."





Napatigil ako at napahinto din sya nang mapansin nyang nakita ko na 'yong nakasulat dun. Tila tumigil ng ilang minuto ang oras at nakatitig lang ako sa mga salitang 'yon. Marami na akong nabasang letter o greetings na may ganito pero ang isang 'to ang sobrang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.





Hindi ko maipaliwanag pero nagsisimulang magkaroon ng halaga ang lahat tungkol sa kanya. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko.





"Akin na nga kasi...ang kulit mo kasi ayan kung anu-ano nang nababasa mo." Mabilis nyang hinila ang notebook sa akin.





Nawalan na rin ako ng kapit kaya nakuha na nya ito. Daha-dahan akong tumingin sa kanya at napatanong na lang.




"Bakit hindi tayo nagkakilala noon? Bakit ngayon lang?" seryosong tanong ko sa kanya.




Hindi sya makapag-salita at makatingin ng diretso sa mga mata ko kaya lumapit pa ako sa kanya ng husto.




"H-huh? Umm...'yong nabasa mo w-wala lang 'yon ah." Papalapit ako ng papalapit sa kanya pero umaatras lang sya nang umaatras.





Nahihiya man ay pinipilit n'yang magsalita. Hindi mapakali 'yong mata nya kung saan-saan sya tumitingin para lang iwasan ang mga tingin ko.




"Curious ako? Bakit mo ba ako minahal?"




Mas napalapit ako sa kanya hanggang sa kadangkal na lang ang lapit ko sa mukha nya. Ramdam na ramdam ko panginginig nya sa kabang nararamdaman nya. 'Yong hininga nya na tumatama sa may leeg ko nagdudulot ng kiliti sa akin.




Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon