Unveiling the Truth
Third Person's POV
Sa kaharian ng Constellatopia...
Sa mga natuklasan nang grupo nina Prince, ay hindi na sila mapalagay pa. Gayong alam nila na nasa bingit ng panganib ang mga Pure Blood na kanilang inutasan sa labas ng kaharian. Bawat oras na nasasayang sa kanilang paghihintay na maayos ang mga lagusan ay lalo lamang bumababa ang tyansa na maligtas nila ang Pure Blood.
Kaya naman nag-isip na ng paraan si Prince kung paano sya makalalabas ng kaharian upang hanapin at iligtas ang pinakamamahal na si Mellea. Maaga pa nagtungo sa silid aklatan si Prince at hinanap ang isang libro.
Isang libro na makatutulong upang mabuksan ang mga lagusan.
"Cleyton," ani ni Serron nang makita itong nagmamadali papunta sa silid-aklatan ni Master Carrium.
Sumunod naman si Serron sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" mabilis at nagtatakang tanong ni Serron ng makita si Cleyton na nasa itaas ng aklatan, habang ibinabagsak ang mga librong hindi nya kailangan.
"Mapapagalitan tayo ni Master kapag nakita nya ang kalat dito." wikang muli ni Serron saka sabay na dinampot ang mga librong nakakalat sa sahig.
"Wag mong intindihin ang galit ni Master, tulungan mo na lamang ako sa paghahanap," sagot ni Cleyton sa kanya.
"Anong bang hinahahanap mo?" tanong ulit ni Serron sabay tingala sa kanya.
"Basta...libro..libro tungkol sa mga lagusan..alam ko meron nun dito dahil...naalala mo yung aralin natin dati sa pagtuklas ng mga lagusan?" sunod-sunod na wika ni Cleyton.
Napaisip naman si Serron at napahawak pa ito sa kanyang baba.
"Oo tama ka! Meron nga tayo nun hmmm,"
"Naalala mo na?" tanong ni Prince sabay yuko nito kay Serron na ngayon ay nag-iisip na rin.
Ilang minuto pa silang nandito sa silid-aklatan habang naghahanap si Cleyton at nag-iisip naman sa ibaba si Serron. Naubos na lahat buksan ni Cleyton ang mga libro ngunit wala pa rin silang nakikita libro na nagtuturo ng mga lagusan.
Malapit na sana sumuko si Cleyton nang mapansin nya ang isang bagay sa tuktok na bahagi ng kisame. May nakahiwalay na lumang libro ang nakalagay dito kung kaya't mabilis na itong inakyat at kinuha.
"Alam ko na Cleyton! Naaalala ko na!" natutuwang sigaw ni Serron ng maalala nya ang titulo ng librong yun. Mabilis syang tumayo at tumingala kay Cleyton na kasalukuyan ding tinitignan ang libro na kanya nakita.
"Serron?" mahinang tawag ni Cleyton hudyat na natagpuan na nya ang libro.
Lumawak ang ngiti ni Serron at nabigkas na lamang ang pamagat ng libro.
"Natagpuan na natin ang," wika ni Prince.
"The Magical Gate of Other World." sabay nilang sagot sa isa't-isa.
Mabilis na tumalon si Cleyton mula sa itaas pababa kay Serron. Sabay nilang binasa ang libro at nakita nila na ito na nga kanilang hinahanap. Nagpasya sila na dalhin ang libro sa gitna ng gubat at doon at susubukan nilang buksan ang isa sa mga sekretong lagusan palabas ng kaharian.
Binasa at pinag-aralan nilang muli ang librong ito.
"Sigurado ka bang hindi natin sasabihin kay Master ito?" nag-aalangang tanong ni Serron.
"Oo sa ngayon, susubukan muna natin kung gagana ang gagawin natin. Ayoko naman na mapahiya kay Master dahil baka hindi gumana ang bagay na ito. Mas maganda nang makasiguro tayo." tugon ni Cleyton.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasiaA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...