⚜️ Another Invader ⚜️
Mellea's POV
Pagkatapos ng malalim na pag-uusap na 'yon, nagkanya-kanya na kami para bumalik sa guild. Lumalalim na rin ang gabi at kailangan na rin naming mag-pahinga dahil maraming lakas ang nawala sa amin sa araw na 'to. Alam ko na mas maraming lakas pa ang mawawala sa amin bukas dahil pag-aaralan na naming kontrolin ang aming kapangyarihan at kasabay nito ang paghawak ng armas.
Nakayuko lamang ako habang naglalakad sa madamong daan na aking nilalakaran. Hindi ko na rin nakita pa si Suberbia kung nasaan na sya. Pagkatapos kasi ng pag-titipon, hindi ko na sya napansin kung saan sya nagpunta. Kaya ngayon mag-isa akong babalik sa guild.
Pero hindi pa ako nakakalayo mula sa lugar ng pagtitipon ay may bigla nang sumabay sa akin. Mabilis akong napatingin sa kanya at sumalabong sa akin ang napaka-seryoong tingin nya sa akin. Hindi ko talaga sya maintindihan kung bakit ganyan na lang sya tumingin sa akin. Ewan ko ba sa tuwing titingin sya sa akin pakiramdam ko pinag-iisipan nya ako ng hindi maganda.
"Nag-iisa ka ata?" saad nya.
"Bakit may nakikita ka bang kasama ko?" pilosopong tugon ko sa kanya habang patyloy lang sa paglalakad.
Nasulyapan ko naman sya at nakitang ngumisi, "Sabi ko nga, WALA."
At gumilid naman ang tingin ko nang mapansin kong hindi sya nagsasalita sa tabi ko. Ano na naman kayang problema nito? Pikon ba sya?
"Hindi ba sa Warriors Guild ka? Eh bakita dito ang daan mo...dapat doon ka sa kabilang daan."
"Ano naman ngayon? Eh gusto kong sumabay sayo e...may magagawa ka ba?"
Napaawang na lang ang labi ko dahil sa sinabi nya, "Ooookaay!" ani ko na may halong panunuya pa sa kanya. Tinignan nya lang ako ng seryoso at natigilan naman ako. Halata kasi sa kanya na pikon sya at ginaya nya pa ang sinabi ko sa kanya kanina. Hahaha.
Nakakatawa talaga 'tong lalaki na 'to. May saltik din parang si Prince. Mga lalaki talaga. Mga pikunin. Konting asar lang napipikon agad. Pero infairness ang gwapo nya kapag naiinis at kapag kumukunot ang noo nya. Parang si Prince kapag nagsusuplado.
Namimiss ko na si Prince.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ka sa kalye. Sementado na ang nilalakaran namin at nakikita ko na ang saradong kabahayan ng ilan na may ilaw sa loob. Napakalaki ng buwan at kumikinang naman sa liwanag ang mga butuin. Hindi ko mapigilan ang sarili at napapatingala na lang bigla.
Abala ako sa pagmamasid ng mga butuin sa kalangitan nang biglang may sumigaw na boses babae sa kalaliman ng gabi. Nabasag ang katahimikan at mabilis na napalingon ako.
"Ahhhhhhhh! Kalaban!" sigaw ng babae sa di kalayuan.
Ngunit, bago pa ako makalingon ay natumba na ako sa semento nang bigla akong itulak ni Gideon.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasíaA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...