Chapter 36

39 1 0
                                    

⚜️ Imissyou Kiss ⚜️


Sebry's POV

UMAGA na naman at nandito pa rin ako sa Constellatopia. Napabangon ako sa hinihigaan ko at binuksan ang binta ng kwarto ko. Tumambad sa akin ang nakakasilaw na sikat ng araw na sakto lang ang init nito. Maaliwalas ang paligid. Napaka-gandang pagmasdan. Ni-hindi ko naisip na makakapunta ako sa isang mala-paraisong lugar kagaya nito.



Luntian ang kapaligiran. May iilang mga ibon ang maririnig na humuhuni sa paligid. Mga batang nagtatawanan na tila ba walang problemang dinadanas. Mga nagliliparang diwata na sa malayong tingin ay aakalain mong paru-paru, para silang mga tinker bell. May mga hawak sila na wand at ang cucute nila.




"Magandang umaga, Prinsesa." Bati pa ng isa sa akin na nakadapo sa may sanga ng puno. Ang cute nya at ang ganda pa.




Ngumiti naman ako, "Magandang umaga din, Marikit." bati ko.




Binow nya lang ang ulo nya bilang paggalang sa akin saka lumipad na kasama ng iba pa nyang mga kasama. Napansin ko naman sa ibaba na nagsisimula na silang mag-ensayo. May mga ilan na nagbubuhat ng mga malalaking bato. Morning exercise ata nila ang pagbubuhat ng ganun kalaking bato e.




Iba ang trip ng mga tao dito.




Ilang saglit pa akong nakadungaw sa bintana habang malayo ang tingin ko. Lumilipad na naman kasi ang isip ko sa kung saan. Naiisip ko si Mellea. Kamusta na kaya sya. Okay lang kaya sya. Inaalagaan din kaya sya na kumag na Prince na 'yon.




Bakit ba kasi hindi naimbento sa mundong 'to ang signal para naman magkaroon ng kontak yong mga nasa ibang mundo.




Sa pag-iisip ko mas lalo lang akong nalulungkot. Kaya pinilit ko na lamang na wag munang isipin at mag-focus na lang sa Gawain ko ditto. Kapag natapos na namin ito. Makakabalik na ako ulit sa mundo ng mga tao.




Muli akong napatingin sa ibaba at napansin ang isang lalaking nakatingala sa akin.




Kanina nya pa kaya ako tinitignan?




Ano bang tinitignan nya?




Ako ba?




"Teka. Namumukhaan ko 'tong lalaki na 'to ah?" napaisip ako ng bahagya habang nakatitig pa din sa kanya. Sa totoo lang, nakakaloko ang tingin nya sa akin ngayon.




May kailangan ba sya sa akin? Bakit di sya magsalita?




Hays!




Naaalala ko na sya. Sya 'yong lalaking nakita ko doon sa pagpupulong na may kasamang babae. Sila 'yong grabe makatingin sa akin. Yong akala mo kakainin ako ng buhay.





Oo tama sya ngayon!





"Hoy! Lalaki! Anong tinitingin-tingin mo dyan?!" sigaw ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya na sinigawan ko sya. Tinalikuran nya lang ako na parang wala lang.





"Abay! Bastos na 'yon! Kinakausap pa nga. May balak siguro akong akyatin dito." Saad ko sa sarili.





"Humanda ka. Akala mo hindi kita babantayan ngayon pang namukhaan na kita ng husto. Hahahaha! Nag-marka na mukha mo sa aking loko ka." Dagdag ko pa.





Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon