⚜️ Crown and Sword ⚜️
Mellea's POV
Alas sais na ng gabi nung nakauwi ako. Hinatid naman ako ni Prince sa bahay, hindi ko man sinabi sa kanya na wala na akong allowance at pamasahe pauwi dahil ginastos ko sa foods nila kanina ay alam nya din kaya nagpresenta na sya ang maghahatid sa akin. Hindi na rin galit sa akin Sebry, naging okay na din kami at bumalik na ulit sa pagiging maingay.
Hindi naman daw talaga sya galit eh o tampo sa akin, pinagtripan lang daw talaga nila ako kanina ni Prince kanina kasi gusto makita ni Prince kung paano ako magselos.
'Yong sa damit nga pala na nabasa ko at sa mata nya na natapunan ko ng tubig na sabon para pagtakpan 'yong totoong ginagawa ko sa loob ng banyo ay wala na din 'yon sa kanya dahil alam naman nya hindi ko 'yon sinasadya.
"Ma?" tawag ko nang makapasok ako sa loob. Nakita ko naman na lumabas sya galing sa kusina.
"Nak. Kumain ka na? Nakapag-luto na ako." masayang bati nya sa akin. Agad akong napatakbo sa kusina at umupo sa la mesa.
Hindi na ako makapaghintay na matikman ang luto ni mama. Para sa akin ang luto ni mama ang pinakamasarap, higit na mas masarap 'to kesa sa mga pagkaing nakakain sa mga 5star Hotel.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong klase ang pagkain ng mga immortal na kagaya ko sa mundo ng Constellatopia Kingdom, kagaya din kaya ng pagkain ng mga tao dito sa mundo ng mga mortal.
Sobrang sarap siguro kasi walang duda sa mga luto ni mama na masarap sya magluto, minsan na rin akong nakatikim ng pagkaing inspired Constellatopian cuisine.
Naalala ko noong nag-birthday ako noong mag-16 ako, nagluto sya ng mga putahi na hindi ko pa natitikman, hindi rin pamilyar sa akin ang mga pagkaing 'yon kung kaya't naghinala ako kay mama na baka nanggaling sya sa ibang mundo at natuto ng mga ganoong kasasarap na pagkain.
Tumambad sa akin ang tatlong putahi ng pagkain, may dessert at ulam. Hindi na ako nakapagbihis at agad na akong kumain ng hapunan. Sinaluhan naman ako ni mama sa pagkain, masaya kaming kumakain.
Nang matapos ako kumain halos hindi na ako makatayo sa kinauupuan ko dahil sa bigat ng tiyan, napuno ko ata ng sobra at nahihirapan na akong huminga, mas lalo pa syang bumigat ng uminom ako ng tubig. Napasandal ako sa pagod na dinanas ko habang kumakain kanina.
Napatingin naman ako kay mama at nakita ko na pinagmamasdan nya ako.
"Nak. Gusto ko sanang balaan ka na magdahan-dahan ka sa pagkain dahil baka mahirapan kang mag-digest ng pagkain." nakangiting sabi nya. Napangiti na lang ako sa kanya.
"Wag po kayo mag-alala ma, hindi ako mahihirapan dahil marami akong tubig sa katawan na makakatulong sa pag-digest ko." biro ko pa sa kanya. Natawan naman sya at ganoon din ako. Napatitig na lang ako sa mga pinggan na wala ng mga laman dahil ubos kung ubos.
"Mellea, anak?" napatingin ako sa kanya ng marinig ko sya. Bigla kasing nagbago ang tono ng boses nya, biglang nagseryoso.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...