Chapter 19

35 2 0
                                    

⚜️ Welcome to Stonehard Guild ⚜️


Sebry's POV

Hindi ako naka-attend ng University Day. Pumunta lang naman kami ng ama ko sa Constellatopia. Hindi na din ako nakapag-paalam kay Mallea na may pupuntahan ako dahil sa pagmamadali ni Dad.


Finally, nandito na ako sa sinasabi nilang fanstasy World, sobrang ganda ng lugar na 'to para syang isang paraiso, malayo sa gulo, sa polusyon, at higit sa lahat napakapayapa ng lugar. Pero nagkaroon ng kaguluhan kaya napilitan kaming tumulong ni dad sa mga kalahi namin. Oo mga kalahi ko na sila ngayon hindi na sila iba sa akin kaya dapat ituring ko din silang mga malalapit sa akin dahil sino pa bang magtutulungan kundi kaming magkakauri.


Pumunta kami sa nayon na sinasabi nila, nakita ko ang mga half breed na sinasabi ni dad. Ang half breed ay may kalahating tao at kalahating hayop, 'yong iba kalahating kabayo, kalahating tao, mayroon ding kalahating lion at marami pang iba. Aaminin ko nakakatakot sila tignan, ang creepy nga eh pero hindi naman sila nananakit eh mababait sila.


Kung marami ang half breed mas marami ang mga Pure Blood na may kompletong anyo kagaya ko na katawang tao. Nakasuot sila ng damit na kagaya ng sa mga mandirigma, may hawak na mga espada. Inililigtas nila ang mga naninirahan sa nayon na tinangkang pasukin ng mga halimaw.


Higit kasi na mas malakas ang mga Pure Blood kesa sa mga half breed kaya lubhang kailangan ang mga Pure Blooded sa mga ganitong sitwasyon. Tumulong na rin ako sa pagliligtas sa kanila, may ilan na sugatan at ang iba naman ay namatay.


Napansin ko ang isang babae na may akay-akay na sanggol na hirap na hirap sa paglalakad ang malapit ng mabagsakan ng nag-aapoy na puno kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya upang iligtas sya. Sinalo ko ang nabagsak na puno. Napaupo naman ang babae sa pag-aakalang tatamaan sya nito.


"Ahh!" sigaw ng babae.


Naramdaman ko na lang ang kamay ko na may kung anong mainit na dumampi dito. Nakita ko na may apoy na at gumagapang na ito patungo sa damit ko. Tiniis ko ang init para mailigtas ang babaeng nasa ilalim ko ngayon.


" S-sige po. Tumakbo na po kayo. " mariing saad ko sa kanya.


Tumingin sya sa akin at hindi man lang kumikilos sa pagkakaupo nya.


Nakaramdam naman ako na sobrang init na ng kamay ko.


"Miss, takbo na!"


Nilaksan ko ang pagsigaw kong 'yon kasabay ng paghagis ng puno sa malayo. Tumakbo ang babae at lumingon ito. Nag-nod naman ako sa paglingon nyang 'yon.


Ganun pala 'yong pakiramdam kapag mayroon kang nailigtas, ang sarap pala sa pakiramdam. Ang saya ko kasi nagamit ko sa mabuti 'yong kapangyarihan ko. Tinitignan ko lang ang paligid ng maisip ko kung kamusta na si Mellea at Prince.


Sana hindi sila nag-aaway, sana inaalagaan nya si Mellea. Wag nya lang talaga masaktan-saktan ang bestfriend ko kung hindi matitikman nya ang bagsik ko. Iniisip ko din 'yong nangyari kanina, hindi ko akalain na makakalapit ako ng ganun kabilis sa babae kanina kahit na sobrang layo nito sa akin, yon ba 'yong sinasabing adrenaline rush o di kaya may special powers ako na mabilis tumakbo.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon