⚜️The Lost Prince ⚜️
Someone's POV
Habang nasa bingit ng kamatayan sina Cleyton at ang mga kasamahan nila, wala namang kaalam-alam si Serron at Andrexa. Nang umalis si Andrexa, sumunod si Serron para patahanin ito sa pag-iyak at samahan.
"Andrexa!" sigaw ni Serron habang hinahanap si Andrexa sa mga naglalakihang mga sanga ng kahoy na nakaharang sa daanan nya. Palinga-linga sya at inililibot ang tingin sa buong paligid.
"Andrexa!" sigaw nya pang muli ngunit walang tumutugon sa kanya.
Naglakad pa sya na wari'y di alintana ang layo ng narating na basta ba mahanap nya lang ang kaibigan. Lingid sa kaalaman ni Andrexa na umiibig si Serron sa kanya. Hindi nga lang magawang aminin ni Serron ang nararamdaman dahil alam naman n'yang si Cleyton ang mahal nito.
Ngunit sa pagkakataong ito, napagtanto n'yang di nya pala kayang masaktan ang kaibigan. Hindi lang dahil kaibigan nya ito kung hindi dahil mahal nya talaga ng sobra ang dalaga. At kahit masakit sa kanya pipilitin n'yang pagaanin ang nararamdaman nito, makita nya lang ngumiti at masaya si Andrexa, kahit pa na hindi sya ang dahilan nito.
Sa layo ng narating nya hindi na nya natandaan pa ang pabalik. Lumalalim na ang gabi at di nya pa rin nakikita si Andrexa. Nag-aalala na ito ng sbbra.
"Andrexa! Saan ka? Sumagot ka naman kung naririnig mo ko?"
"Nandito ako! Wag ka nang umiyak pakiusap!"
Sa pagkakataong ito, may narinig syang hikbi ng isang babae at tinatawag ang pangalan nya.
"Andrexa?" Nai-sambit nya sabay takbo at sinundan kung saan nanggaling ang hikbi.
Kahit madilim at tanging ilaw lang ay ang sinag ng buwan at humaharang ang mga sanga ng kahoy at malalaking halaman, nagawa nya pa ring matuntun ang kinaroroonan ng dalaga. Nakaupo ito at nakatakip ang mukha ng mga palad nya. Malakas ang hikbi at dama ang sakit na nararamdaman nya.
"Andrexa? Nandito lang ako." Lumapit sya nang marahan sa dalaga at tinapik ang likod ng dalaga para pagaanin ang dinadala nito.
"Hindi lang naman si Cleyton ang maaaring magmahal sayo kung hindi nya 'yun kayang gawin para sayo meron pang isa na totoong magmamahal sayo hindi lang sya, Andrexa...Hindi lang si Cleyton." madiin nitong sabi habang patuloy pa rin sa pag-hikbi si Andrexa.
"Tingin mo ba may magmamahal pa sa akin?" tugon nito.
"Oo naman, Andrexa. Nandito ako!" marahang ngumiti si Serron at umupo sa tabi ng dalaga. Hindi pa rini inaalis ni Andrexa ang takip sa mukha at patuloy lang ito sa pag-iyak. Hindi naman sinaway ni Serron ang sarili na tumigil sa pag-himas sa likod ni Andrexa.
Saglit na katahimikan ang namutawi sa paligid hanggang sa nagulat na lamang si Serron nang yakapin sya ni Andrexa. Sobrang mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap nito na parang hindi na makahinga si Serron.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantastikA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...