Chapter 10

53 4 0
                                    

 ⚜️ Jealous and Worried Prince⚜️

Sebry's POV

Umuwi akong mag-isa sa bahay, wala kasi 'yong dalawa.



Nagtataka na talaga ako eh palagi kasi silang nawawala, hindi naman nagpapasabi kung saan sila pupunta.




Namimiss ko na si bes, mukhang nagkaroon na ako ng kahati sa kay Mellea, hindi ako makakapayag akin lang si bes.



What's the real score na ba sa dalawa?"




Nandito sa banyo nakatingin sa salamin. Kinakausap ko 'yong sarili ko habang nakaharap sa salamin at habang pinupunasan ko ng tuwalya 'yong basa kong buhok.





Palabas na ako ng banyo ng biglang kong maapakan 'yong sabon dahilan para madulas ako pero agad akong nakakapit sa lababo kaya hindi ako natuluyan sa pagtumba.





"Hay mabuti na lang nakahawak ak---" Natulala ako sa lababo nang makita ko ito.




Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, bumakat ang kamay ko sa semento ng lababo. Natakot ako kaya napasigaw ako. Agad namang umakyat si dad para icheck ako.




"Nak?! Bakit?"





"Dad?!" sigaw ko sabay turo dun sa bakat ng kamay ko lababo halos madurog ang bahagi nito dahil sa pagkakahawak ko.





Hindi kayang gawin 'yon ng isang babaeng kagaya ko na walang kapangyarihan kaya bigla akong napaisip at napalingon kay Dad dahil tila alam ko na ang ibigsabihin nun.




Lumabas na totoo kong kapangyarihan.






Inalalayan ako ni Dad sa kama at sinabihang ayusin ang sarili ko saka bumaba sa baba para kumain na. Naiwan naman akong nakatulala dun dahil hindi ako makapaniwala na 'yon ang taglay kong kapangyarihan.






Sa totoo lang ang hirap paniwalaan na isa ako sa mga fairy na tinutukoy ni dad. Kahit nakakagimbal ang mga nangyayari sa akin natututunan ko na rin naman itong mahalin at tanggapin siguro nga ito ang kapalaran ko kaya gagamitin ko ito sa mabuti para protektahan ang mga mahal ko.






Nang makapag-isip ako ay agad akong nagbihis at bumaba.





"Kain na." sabi ni Dad ng makaupo ako sa upuan.




"Ang dami naman po 'ata nito, Dad." manghang tanong ko sa kanya dahil ang dami nyang pinaluto na pagkain.





"I-celebrate natin 'yan anak dahil sa wakas taglay mo na ang iyong kapangyarihan." Inaangat nya ang baso ng champagne at nakipag-cheer sa akin, Juice lang sa akin.





Hindi na ako natatakot ngayon handa na akong tanggapin ang lahat tungkol sa akin kaso may isang bagay lang ako na iniisip.





"Bakit anak hindi ba masarap 'yong pagkain?" tanong ni dad.





"Ah hindi naman po sa ganun, Dad?" sagot sa kanya.





"Eh kung hindi 'yon eh ano?"






"Si Mellea po kasi...hindi ba Dad ang sabi mo darating 'yong panahon na kakailanganin kami ng Constellatopia. Ayaw ko po kasing iwan si Mellea dito mag-isa." malungkot kong sabi habang nakayuko at nakatingin lang sa pagkain ko na nasa plato ko.






Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon