⚜️ Almost There ⚜️
Mellea's POV
Grrr! Grrr!
Giniginaw na ako dito sa kwarto nya wala pa rin sya.
Saan na kaya 'yon?
Naisipan ko na patayin na lang 'yong aircon dahil sobrang lamig na talaga. Hinanap ko kung nasaan 'yong remote control ng aircon pero wala doon sa pinalalagyan ng aircon.
Saan ba 'yon?
Dito lang dapat 'yon nakalagay sa may aircon nakadikit eh.
Nilibot ko na ang aking paningin para hanapin ang remote control nang sumagi sa akin ang isang box na nakalagay sa itaas ng estante na nakadikit sa wall ng kwarto ni Prince sa may uluhan nya upper part yon ng wall sa taas ng kama.
Pumatong ako sa kama para makuha ang box na 'yon pero sobrang taas ng kinalalagyan nya kaya hindi ko maabot at mas lalo pa itong umusod sa pinakagitna.
Magpakuha ka na please.
Ahh.
Nagulat na lang ng biglang may kamay akong nakapa sa taas. Napasigaw ako at napatalon sa kama. Pumikit ako dahil natatakot ako baka mamaya pugot-ulo pala 'yong multo.
Sumigaw ako at umupo sa may sulok ng kwarto. Nakapikit ako pero alam kong nasa sulok na ako ng kwarto ni Prince. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw.
"Ahh multo! Multo! Prince saan ka ba? Prince! May multo! Lord Help me Please." sigaw ko. Pero natauhan na lang ako sa pagsigaw ko ng marinig ang isang pamilyar na boses.
Iminulat ko ang mata at nakita si Prince na nasa ibabaw ng kama at may kinukuha ang kung ano sa itaas ng estante, 'yong box.
"Hoy! Naano ka?! Ang gwapo ko namang multo?! " nakatawang sabi nya sa akin na nakaupo pa din dito sa sulok.
"Prince!" maikling sambit ko.
Natakot talaga ako.
"Oo ako nga. Bawas-bawasan mo nga ang pagkakape mo? Ang nerbyosa mo na, nag-aalala ako sa kalusugan mo." Bumaba na sya at hawak na nya ang box na kinukuha ko kanina. Lumapit sya sa akin at inabot 'yon sa akin.
"Ano ba kasing kailangan mo sa box na 'yan?" sabi nya.
Umupo sya sa harap ko. Tumingin naman ako sa kanya. Ewan ko ba pero natakot talaga ako kanina akala ko kukunin na ako ng multo. Akala ko talaga multo.
"Saan ka ba kasi pumunta? Sabi mo dapat magpaalam bago umalis para walang nag-aalala." malungkot na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya ng half.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...