Chapter 16

46 2 0
                                    

⚜️ Enchanted Secret as Majestic Garden ⚜️


Someone's POV

Sa Darkenian World...

Isang lalaking nakaitim na hood, puti ang mga mata nito, may matangos na ilong, maputi ang mukha pero may ilang mga marka ng peklat, palatandaan na dumaan sya sa maraming labanan, ang nakaupo sa tabi ng isang malaking salamin. Galit na galit ito.


Natunaw naman sa mga kamay nya ang hawak nyang bakal na hugis bilog sa sobrang galit. Tila ba isa syang nagbabagang baga sa sobrang galit.


"Mga walang kwenta!" sigaw nya sa mga halimaw na nasa kanyang harapan.


"Kaisa-isang lalaki, hindi nyo pa nagawang hulihin. Mga inutil!" Pagwawala nya sa mga halimaw na nakaharap sa kanya. Lahat ito ay nakayuko sa kanya at sinasamba sya.


Kinuha nya ang kanyang espada na nababalot ng apoy at isa-isa nyang tinarak ito sa mga halimaw na nakalaban ni Prince. Hindi sila kaagad namamatay sa labanang nangyari kanina kaya nagawa pa rin nilang bumalik sa kanilang kaharian na puno ng kasamaan.


Ngunit sa kanilang pagbabalik sa kaharian ay kamatayan ang naghihintay sa kanila dahil sa galit ng lalaking nakaitim na hood ay papaslangin sila.


"Treyvor!" sigaw ng isang babaeng nakapulang hood, maputi at matangkad, may mahahabang kuko ng kulay pula. Mahaba din ang kanyang buhok na itim na itim na may konting kulot sa dulo nito.


Pumasok sya sa loob ng silid at pinigilang ang tangkang pagpatay ni Lord Treyvor sa mga halimaw. Natigilan naman si Lord Treyvor, ang lalaking nakaitim na hood, lumingon ito sa babae at ibinaba ang espada.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Treyvor sa babae.


"Hindi mo sila kailangang patayin, kakailanganin pa natin sila sa muling pagsalakay sa kaharian ng Constellatopia. Kailangan natin ng mas maraming alakad upang sirain ang nakaharang nito." mariing saad ng babae sa kanya.


"Nagpapatawa ka ba, Meditys? Napaka-dali lamang ng pinapagawa ko sa kanila. Kailangan lang naman nilang hulihin ang anak ni Zairren hindi pa nila nagawa, paano pa kaya sa pagsira ng harang? Tingin mo ba makakatulong sila? " saad nito sa babae.


"May paraan Treyvor para mas lumakas pa ang hukbo natin?" ngumisi ito habang nakatingin naman ng buong pagtataka si Treyvor sa kanya.


Mellea's POV

Nakakainis man 'yong ginawa ni Prince kanina kay Janus ay naintindihan ko naman sya kaagad matapos ko marinig ang mga sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang pag-aalala nya sa akin pero sa ginawa nyang 'yon mas napatunayan ko na may halaga ako kay sa kanya. Hindi ko alam kung saan aabot ang ganito pero masaya ako sa bawat araw na nakakasama ko sya.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon